Pang. Duterte binigyan ng maagang Christmas gifts ang batang may mabigat na karamdaman

Imahe mula sa video ni Rrjw Wong via Facebook
  • Maagang pamasko ang handog ni Pang. Rodrigo Duterte para kay Jacob Wong, limang taong gulang na batang nakikipaglaban sa mabigat na karamdaman
  • Makikita sa mga post ng magulang ng bata ang masayang tagpo sa bahay mismo ni Pang. Duterte sa Davao City
  • Nakatanggap ang bata ng mga regalo mula sa pangulo tulad ng laruang motorbike, DU30 cap, at framed na caricature ng Pangulo

Pinangiti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang limang taong gulang na batang nakikipaglaban sa mabigat na karamdaman.

Imahe mula sa Facebook | Johanne Bernice Guirgen Wong

Binuksan ni Pang. Duterte ang kaniyang tahanan sa Davao City para kay Jacob Wong at kaniyang mga magulang.

Sa video na ipinost sa Facebook ni Johanne Bernice, nanay ng bata, makikitang sinalubong ng ngiti ni Pang. Duterte si Jacob na naghihintay sa kaniya sa living area sabay sabing “Uy, Jacob. Kaibigan ko ito. Magkaibigan na tayo, ‘di ba?”

Binigyan din ni Pang. Duterte si Jacob ng dalawang laruang motorbike sabay birong. “Pasyal pasyal tayo.”

Bukod dito, nakatanggap din ang bata ng DU30 cap at framed caricature ng Presidente. Hindi rin nakalimutan ng Pangulo na pabaunan ang bata ng maiinit na yakap at mga halik sa noo.

Nagpasalamat naman ang ina ni Jacob sa maagang Christmas gifts na natanggap ng bata mula mismo sa Pangulo. “Christmas came early this year. Thank you so much Mr. President for welcoming us in your humble home,” sabi niya. “It’s so past his bedtime, but this Duterte fever hit him hard. Thank God it’s Friday,” dagdag niya sa isa pang post.

I-click ang imahe para mapanuod ang video via Facebook

September 9 lamang umano nang malaman ng pamilya ni Jacob na mayroon siyang karamdaman sa dug0 matapos magkaroon ng mataas na lagnat at uminda ng pagsakit ng mga binti at balakang.

“Mabait talaga ang Diyos,” maririnig na sabi ni Pang. Duterte sa Facebook live video na ipinost ni Rrjw Wong, ama ng bata. “I will do anything for a child.” Kilala si Pang. Duterte na may soft spot para sa mga bata. Taun-taon din siyang bumibisita sa mga bata sa Southern Philippine Medical Center sa Davao City.

Get well soon, Jacob!

Loading…