Pang. Duterte, ginawaran ng Medal of Valor ang hero cop ng Misamis Oriental

Imahe mula sa Malacanang at Facebook
  • Personal na iginawad ni Pang. Duterte ang posthumous award sa hero c0p ng Misamis Oriental
  • Maaalalang iniharang ni PSSG Jason Magno ang sarili sa isang hand grenade upang hindi nito masabugan ang mga mag-aaral sa Initao College
  • Tumanggap din ng award ang buddy niya na si Sgt. Alice Balido na sugatan naman sa insidente

Personal na pinarangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hero c0p ng Misamis Oriental na iniligtas ang mga estudyante sa Initao College mula sa pagsab0g.

Imahe mula sa Malacanang

Mula sa isang post-disaster briefing sa Legazpi City, Albay ay lumipad si Pang. Duterte sa Misamis Oriental upang makiramay sa pamilya ni Police Master Sergeant Jason Magno at para ibigay ang posthumous award na Order of Lapu-Lapu, rank of Kalasag at Medal of Valor.

“The President awarded the Order of Lapu-Lapu, rank of Kalasag, to Police Master Sgt. Jason Magno who died during an incident involving a man armed with a hand grenade inside a campus in Initao. At the same time, the President extended his cond0lences to the family of the policeman, who also received the Medal of Valor for his gallantry,” sabi ng Malacanang sa isang pahayag.

Ang Order of Lapu-Lapu, rank of Kalasag, ay ibinibigay sa “officials and personnel of the government and private individuals who l0st their lives as a direct result of their participation in an activity pursuant to a campaign or advocacy of the President.”

Ang Medal of Valor o Medalya ng Kagitingan naman ang pinakamataas na award ng Philippine National Police. Ibinibigay ito sa mga miyembro ng PNP para sa “deed of personal bravery and self-sacrifice above and beyond the call of duty so conspicuous as to distinguish himself clearly above his comrades in the performance of more than ordinary hazardous service.”

Imahe mula sa Official Gazette

Samantala, ang buddy naman ni PSSG Magno na si Sgt. Alice Balido na nasugatan sa insidente ay ginawaran naman ng Kampilan award na ibinibigay naman sa mga opisyal na nasugatan bilang resulta ng partisipasyon sa kampanya o adbokasiya ng Presidente.

Ayon naman kay Sen. Bong Go, binigyan din ng financial assistance ng Malacanang ang pamilya nina Magno at Balido.

Loading…