Pang. Duterte handang tanggapin ang mga Rohingya Muslims na lumikas mula sa Myanmar

  • Rohingya Muslims na lumikas mula sa Myanmar handang tanggapin ni Pangulong Duterte
  • Hinihikayat rin ng Pangulo ang Malaysia at Indonesia na tanggapin din ang mga Rohingya Muslims
  • Handa rin ang Pangulo na pagkalooban ng Filipino citizenship ang mga Rohingya Muslims

Muling inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nauna na niyang nasabi noon na handa siyang tanggapin ang mga Rohingya Muslims na lumikas mula sa bansang Myanmar dahil sa persekyusyon o pag-uusig.

Imahe mula sa PCOO

Bukod sa pangako na bukas-palad na tatanggapin ng Pilipinas ang mga Rohingya Muslims, hinihikayat din ng Pangulo ang mga bansang Malaysia at Indonesia na gawin ang kagaya ng gagawin niya.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo sa harap ng mga beneficiaries ng agrarian reform sa Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao.

“I am prepared. I have communicated my desire na pagka ‘yung mga Rakhine, yung mga Rohingya sa Burma, kung gusto nilang mag-migrate, tatanggapin ko sila,” pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati.

“Malaki ang lupa natin, kawawa naman ‘yang mga tao doon, ‘yung mga Muslim… Maghati-hati tayo… Malaysia, Indonesia, Philippines. Ako, I’m ready to accept,”dagdag pa  ni Pangulong Duterte.

Binanggit pa ng Pangulo kung paanong ang Bataan at Palawan ay tinanggap noon ang mga Vietnamese “boat people” na lumikas mula sa magulong Vietnam noong mga taong 1975 hanggang 1992.

Imahe mula sa Radio Kosova E Lire

“Nagtanggap man tayo noon ng mga Vietnamese, ‘di ba? Panahon ng Amerikano diyan sa Palawan. Tanggapin din natin. Ang laki ng Mindanao. Ito bukid. You plant there. Turuan natin silang mabuhay,” aniya.

Ipinaliwanag pa ni Pangulong Duterte na kaya lumilikas ang mga Rohingya Muslims ay hindi sila tanggap ng mga Burmese na ang karamihan ay mga Buddhists.

“They came from Sri Lanka, tapos nag-migrate sila — kagaya ng ganoon dito. Tapos, ayaw kasi Buddhist, eh. ‘Yun nga ang problema, basta may relihiyon. Buddhist, eh, Muslim sila,” anang Pangulo.

Noong Pebrero ng kasaluyang taon ay nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na tatanggapin niya ang mga Rohingya. Handa rin umano siyang pagkalooban ang mga ito ng  Filipino citizenship.

“I am willing to accept Rohingyas. ‘Yung talagang walang mapuntahan tatanggapin ko ‘yan, gawain kong Pilipino,” pahayag noon ng Pangulo.

Imahe mula sa HRR

Loading…