Pang. Duterte nag-host ng thanksgiving party sa Malacañang para sa LGBT members

  • Duterte nagpa-party sa Malacañang para sa mga LGBT members
  • Kabilang sa mga dumalo ang kontrobersyal na transwoman na si Gretchen Diez
  • Pinangasiwaan ng Pangulo ang oath-taking ng national officers ng LGBT Pilipinas, Inc.

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang thanksgiving party na handog niya para sa mga miyembro ng LGBT community na ginanap sa Heroes’ Hall sa Malacañang Palace noong Martes, ika-17 ng Disyembre.

Imahe mula sa PCOO

Isinabay na rin ng Pangulo sa naturang okasyon ang pangangasiwa niya sa panunumpa ng mga national officers ng LGBT Pilipinas, Inc. na pinangunahan ng chairperson nito na si Faustino “Bubsie” Sabarez III.

Kabilang sa mga dumalo sa thanksgiving party ang tinaguriang “Lord of Scents” na si Joel Cruz at ang transwoman na si Gretchen Diez na matatandaang naging kontrobersyal noong buwan ng Agosto ng kasalukuyang taon nang dalhin siya sa presinto nang nakaposas dahil nais niyang gumamit ng palikuran para sa mga kababaihan sa isang shopping mall sa Quezon City.

Sumiklab ang mga panawagan upang ipasa ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality (SOGIE) bill dahil sa masaklap na karanasan ni Gretchen Diez.

Ayon sa Commission on Human Rights, kailangang ang SOGIE upang mabigyan ng proteksyon ang mga miyembro ng LGBT community laban sa diskriminasyon.

Imahe mula sa PCOO

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Duterte ang kanyang suporta sa hanay ng LGBT community na, aniya, ay dapat kinikilala ng lipunan. Giit ng Pangulo, ang lahat ng uri ng kasarian ay may karapatang kilalanin sa lipunan.

Ayon pa sa Pangulo, ang dignidad ng lahat ng tao ay kailangang protektahan.

Ibinahagi ng Pangulo sa mga dumalo sa thanksgiving party ang paglagda niya sa isang executive order na lumikha sa Diversity and Inclusion Program na bumuo naman sa inter-agency committee on diversity and inclusion.

Imahe mula sa PCOO
Source :

Inquirer, PCOO

Loading…