Paolo Contis, nagbahagi ng sweet birthday message para kay LJ Reyes

Imahe mula sa Instagram | Paolo Contis
  • Nagdiwang ng kaniyang kaarawan ang aktres na si LJ Reyes
  • Pinakilig ng kaniyang partner sa si Paolo Contis ang netizens dahil sa kaniyang mensahe para kay LJ
  • Sinabi niyang ang tanging gusto lamang daw niya ay ang mapasaya lagi si LJ

Habang ang ibang kapwa artista ay abala sa pagbabahagi sa social media kung paano nila ipinagdiwang ang Pasko, pinakilig naman ni Kapuso actor Paolo Contis ang netizens sa ipinost niya na birthday message para sa partner na si LJ Reyes.

Imahe mula sa Instagram | Paolo Contis

Sa Instagram, nag-post si Paolo ng thr0wback photo nila ng ina ng kaniyang anak na si Summer. Isa raw ito sa mga unang litrato na magkasama silang dalawa at madalas daw niya raw itong balikan dahil kita rito ang kasiyahan ni LJ.

“At lagi kong pinapaalala sa sarili ko na gusto ko lagi kitang napapasaya. Sana lagi ko pa rin ‘yong nagagawa para sayo,” sabi niya. “Kahit minsan may mga palpak ako, lagi mo tatandaan na ang tangi kong gusto ay ang mapasaya ka!”

“Maligayang Kaarawan Mahal Ko! Mahal na Mahal Kita,” pagtatapos ni Paolo sa mensahe.

Enero ngayong taon nang isilang ni LJ ang anak nilang si Summer. Ibinahagi niya ang balitang ito sa Instagram at sinabing “We’ve waited for you and now I can’t believe you are already in our arms. Worth every single pain!”

Imahe mula sa Instagram | Paolo Contis

Madalas ding kaaliwan ng netizens si Paolo dahil sa pagpo-post niya ng sweet na mensahe para kay LJ at kay Akio, anak ni LJ sa dating nobyong si Paulo Avelino.

Noong nagdiwang ito ng kaniyang kaarawan ay binati rin siya ni Paolo. Sabi niya, “You already know everything I want to tell you…just remember to always be a good boy to your mommy okay?? I will always have your back no matter what.”

Si Paolo naman ay may dalawang supling sa ex-wife niyang si Lian Paz. Taong 2015 nang mabuo ang relasyon nina Paolo at LJ.

Loading…