Para mas ligtas at tahimik: Ruta ng prusisyon ng Traslacion 2020 sa Quiapo nais paikliin ng NCRPO

  • Ruta ng Traslacion 2020 nais paiksiin ng NCRPO
  • Mas magiging ligtas at maayos ang prusisyon kung paiiksiin ang ruta nito
  • Naging maayos at tahimik ang katatapos lang na Thanksgiving procession ng Itim na Nazareno

Nais ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na paiksin ang ruta ng traslacion ng Itim na Nazareno sa taong 2020 upang gawing mas tahimik at maayos ang prusisyon na kadalasan ay inaabot ng halos 20 oras.

Imahe mula sa Facebook page ng Nuestro Padre Hesus Nazareno de Quiapo

Hindi pa nagbigay ng detalye si NCRPO Acting Director Brigadier General Debold Sinas tungkol sa gagawing ruta para sa Traslacion 2020, subalit nilinaw niya na ang ginawang prusisyon para sa Thanksgiving procession ng Itim na Nazareno ang kanilang uulitin para sa Traslacion na gaganapin sa ika-9 ng Enero.

“We will not talk about how we will do it in the Traslacion dahil ang gauge namin ngayon is ito munang Thanksgiving mass sa December 30.  Kung anong gagawin sa Thanksgiving mass, ‘yon din ang gagawin sa Traslacion,” ani Sinas.

Aniya, kung mapapaiksi ang haba ng prusisyon ay mas magiging ligtas iyon.

“If we could cut that into half, makahinga na kami ng maluwag no’n, mas lessened na ‘yong time na vulnerable to any threat, ‘yon po ‘yong target namin,” paliwanag ni Sinas.

Naging napakaayos at tahimik naman ng katatapos na Thanksgiving procession ng Black Nazarene. Mula sa dating 10 oras ay umabot lang ng halos dalawang oras ang prusisyon.

Imahe mula sa Facebook page ng Nuestro Padre Hesus Nazareno de Quiapo

Ayon sa rector ng Quiapo Church na si Monsignor Hernando Coronel, record-breaking daw ang Thanksgiving procession ngayong taon. Nagsimula ang prusisyon bago maghatinggabi ng December 30 at nakabalik sa Quiapo Church bago mag-alas dos ng madaling araw ng December 31.

“The procession finished at 0124H with a record breaking duration of one hour, 40 minutes, and 39 seconds to complete the 2.37Km route,” aniya.

“This is the most solemn and orderly. The procession took off orderly. There was no istandarte, nor unruly mob that used to climb the andas,” sabi pa ni Monsignor Coronel.

Loading…