Para sa OPM: ‘Rock mob’, dinaluhan ng halos 150 musikero sa Laguna

  • Halos 150 musikero ang nakilahok at nakisaya sa ginanap na “rock mob” sa Laguna
  • Sabay-sabay nilang tinugtog ang kantang “Narda” na unang pinakasikat ng bandang Kamikazee
  • Layunin ng event na i-promote ang original Pinoy music o mas kilala bilang OPM

Nasa 150 musikero ang nakisaya at nakisabay sa tugtugin ng musikang Pinoy sa ginanap na “rock mob” sa Calamba City sa Laguna.

Imahe mula sa Facebook video ni Smit Ytrid

Sa video ng netizen na nagngangalang Smit Ytrid sa Facebook noong November 30, mapapanood ang sabay-sabay na pag-awit ng mga dumalo sa event.

Makikita dito ang iba’t ibang instrumento na tinugtog ng mga musikero kasabay ng awiting “Narda” na unang pinasikat ng Pinoy band na Kamikazee. Inorganisa ito ng independet music production company na Musika Laguna upang i-promote ang kagandahan ng original Pinoy music o mas kilala bilang OPM.

Ayon pa sa ulat ng ABS-CBN News, kinanta rin ng mga dumalo ang iba pang sikat na awiting Pinoy tulad ng “Salamat” ng The Dawn, “Laguna” ng Sampaguita, at “Awit ng Kabataan” ng Rivermaya.

Umabot naman sa higit 100,000 views ang video ni Smit sa Facebook tatlong araw matapos niya itong ibahagi sa social media. Marami rin ang naengganyong lumahok sa susunod na tugtugan.

“Nice one! May next time pa ba mga lods? Pa-join,” tanong ni MH.

“Nice! Sarap maki-jam. Solid din sana kung nandiyan pa yung Kamikazee mismo. Sana next time may jam pa para makasama,” ani AJ.

Imahe mula sa Facebook video ni Smit Ytrid

“This is a Pinoy version of Rockin’ 1000. Keep it up guys!,” sabi naman ni WY.

“Astig! Suportahan ang musikang Pilipino. Rockenroll,” ayon pa kay FJD.

Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…