Parade of Stars ng 45th MMFF sa Taguig City dinumog ng mga tagahanga

  • Parade of Stars ng MMFF nagbigay-saya sa mga nanood na tagahanga
  • Ito ang parada na may pinakamahabang ruta sa kasaysayan ng MMFF
  • Ang walong pelikula ay sabay-sabay na mapapanood sa mga sinehan sa buong bansa sa December 25

Daan-daang tagahanga ng pelikulang Pilipino ang naghilera sa rutang daraanan ng Parade of Stars, ang kick-off event para sa 45th Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Linggo, ika-22 ng Disyembre, upang masilayan ang mga paboritong artista na nakasakay sa makukulay na floats ng walong pelikulang maglalaban-laban sa film festival.

Imahemula sa MMFF

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 45 years ng MMFF na ginawa sa Bonifacio Global City ang Parade of Stars. Ito rin ang parada ng film festival na may pinakamahabang ruta. Sinimulan ang parada sa Lakeshore Hall at nagtapos sa McKinley West Open Ground.

Umani ng malalakas na hiyawan mula sa mga tagahanga ang mga floats ng “Mindanao” na pinagbidahan ni Judy Ann Santos; ang “The Mall, the Merrier” na pinangunahan ni Vice Ganda at Anne Curtis, at “3Pol Trobol: Huli Ka Balbon” starring Coco Martin, Jennylyn Mercado at Ai Ai delas Alas.

Bago simulan ang parada ay may kumalat na usap-usapan na hindi kasama sa float ng “3Pol Trobol: Huli Ka Balbon” si Coco Martin. Nandoon naman si Coco pero nakasuot siya ng costume ni “Paloma,” ang female alter ego niya sa pelikula kaya naman sinalubong ng napakalakas na hiyawan ng fans ang float nila.

Hindi naman nagpahuli sa dami ng mga tagahanga ang floats ng “Mission Unstapabol: The Don Identity” nina Vic Sotto at Maine Mendoza; ang “Sunod” na nag-iisang horror film sa filmfest starring Carmina Villaroel at ang remake ng Korean drama na “Miracle in Cell No. 7” nina Aga Muhlach at Bela Padilla.

Screenshot mula sa video ng MMFF

Nagbigay-saya rin sa fans ang floats ng “Write About Love,” starring Yeng Constantino at Rocco Nacino, at ang “Culion,” na pinangunahan nina Iza Calzado, Jasmine Curtis-Smith at Meryll Soriano.

Ang walong pelikula ay sabay-sabay na mapapanood sa mga sinehan sa buong bansa sa December 25. Tatagal ang MMFF hanggang sa January 8, 2020.

Ang awards night ay gaganapin sa ika-27 ng Disyembre.

Imahe mula sa MMFF

Loading…