Payaman! Kita ng isang online troll, umaabot ng hanggang sa P70,000 kada buwan

  • Hindi kathang-isip lamang ang mga online troll dahil may mga nagpatunay na malaki ang bayaran sa trabahong ito
  • Naglalaro daw sa P25,000 hanggang P70,000 ang kita ng isang online troll sa isang kliyente pa lamang
  • Nahahati rin daw sa dalawang klasipikasyon ang mga trolls na may kanya-kanyang assignment na ipakakalat na impormasyon online

Ayon sa mga eksperto, sa pagsikat ng teknolohiya, partikular na ang Internet, ay maraming trabaho rin ang nalikha para sa mga mamamayan ng mundo.

Sa social media na lamang, napakaraming trabaho ang pinagkakakitaan ng marami katulad ng pagiging social media page administrators, social media strategists, at maging ang mga online sellers na sa social media nagbebenta ng kanilang mga produkto.

Ngunit maliban sa mga ito, may isa pang uri ng trabaho na nalikha ang social media. Iyon nga lang, hindi ito uri ng isang kabuhayan na maaari mong ipagmalaki dahil ang pangunahing layunin nila ay maghasik ng mga paninira online gamit ang mga huwad na account at katauhan.

Larawan mula sa Pexels

Uso ngayon ang mga Internet trolls o ang mga bayarang social media users ng isang partikular na partido sa politika. Misyon nila na magkomento ng magaganda tungkol sa kanilang kliyente habang ang iba naman ay naglalayon umanong maghatid ng mga balita at komentong mapanira sa kalabang partido.

Nahahati kasi sa dalawang uri ang mga Internet trolls: white at black trolls. Ang mga white trolls daw ay yaong mayroong madiplomatikong paraan ng pakikipag-usap sa iba pang netizens at pinalalabas na matalino silang social media users. Habang ang black trolls naman ay ang uri ng troll na walang iniisip na kung anuman; basta makapanira lamang ng kanilang target na personalidad.

Hindi man nakaka-proud ang trabaho ng isang troll, maraming Pilipino ang pinapasok ang trabahong ito dahil sa napakalaking kita.

Ayon sa isang ulat ng GMA News, inilahad ng boss ng isang troll na naglalaro sa P25,000 hanggang P70,000 pesos kada buwan ang kita; depende sa posisyong hawak mo sa pinapasukan mong kliyente.

Larawan mula sa Pexels

Ang mga entry-level trolls ay nasa P25,000 hanggang P30,000 ang kita kada kliyente. Pero kung makapapasok ka sa dalawang boss, maaaring dumoble ang kita ng isang troll. Habang ang P50,000 hanggang P70,000 naman ay kita ng isang senior troll. Bukod pa raw ang bayad ng mga politiko sa mga influencers online na magpo-post ng isang bagay tungkol sa isang personalidad sa kanyang Facebook page at kumikita raw ang mga ito ng P30,000 isang post.

Ayon din sa mga nagtatrabaho bilang troll, magaan naman daw ang kanilang trabaho kaya ‘biyaya’ ang malaking bayad sa kanila. Karaniwan din raw na sa gabi sila gumagalaw dahil mas mabilis ang Internet connection. Layo-layo rin daw sila ng lokasyon upang hindi ma-trace ang kanilang IP address. tsk tsk

Loading…