Perang napamaskuhan ng mga batang anak, dapat nga bang kinukuha ng mga magulang?

  • Perang aginaldo sa mga bata dapat kunin ng mga magulang
  • Ang mga batang paslit ay wala pang muwang sa halaga ng pera
  • Mainam na ilagak ng magulang sa bangko ang mga perang napamaskuhan ng mga anak na paslit

Isa ang pasko sa mga pinakamasayang araw para sa mga bata dahil ito ang panahon na marami silang natatanggap na regalo mula sa kanilang mga ninong, ninang at iba pa. Karaniwan nang inireregalo sa mga inaanak ang damit, sapatos o laruan. Hindi rin nawawala ang aginaldong pera, lalo na kapag ang ninong at ninang ay walang panahon para makapag-Christmas shopping.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Karaniwan nang kinukuha ng mga magulang ang mga perang napamaskuhan ng mga anak nilang malilit pa na wala pang muwang sa halaga ng pera.

Ang ganitong gawa ng mga magulang ay sinang-ayunan ng isang financial literacy advocate na si Armand Bengco. Aniya, dapat lang na gabayan ng mga magulang ang mga paslit na anak sa tamang paggasta ng pera.

“Hanggang sila hindi umaabot ng 18 (taong gulang), wala pa silang karapatan, power or freedom to use gamitin ang perang nakuha nila sa sarili nilang disposisyon,” ani Bengco sa isang televeised interview.

Iminungkahi pa ni Ginoong Bengco sa mga magulang na ilagak sa bangko ang perang aginaldo ng mga anak.

“Strong suggestion: bukas (Disyembre 26) may pasok, may mga bangko. Lalo na kung first time, dalhin ninyo doon, ipasyal ninyo ‘yung anak n’yo,” ani Bengco.

Imahe mula sa Toluna

Kung siya raw ang tatanungin, hindi niya mairerekomenda ang pagreregalo ng pera sa mga bata dahil wala pa ngang kamuwang-muwang ang mga ito kung ano ang halaga niyon.

“Hindi naman alam ng bata na may halaga ang pera. In fact ‘pag nakuha niya ‘ano ‘tong papel na to?'” paliwanag ni Bengco.

Mas mainam pa raw na mga laruan ang ibigay sa mga bata tuwing Pasko. Mas masisiyahan daw ang mga bata kapag maraming regalo ang kanilang binubuksan.

‘Yung marami siyang binubuksan, ‘yun ang nagpapasaya sa kaniya sa Pasko,” aniya.

Imahe mula sa Samaritan Purse
Source :

ABS-CBN

Loading…