Phase 1 ng Mindanao Railway Project aprubado na, groundbreaking at konstruksyon sisimulan sa 2020

  • Konstruksyon ng phase 1 ng Mindanao Railway project aprubado na ng NEDA Board
  • Ang Phase 1 ay may habang 105 kilometro ng riles mula sa Tagum City hanggang sa Digos City
  • Inaasahan ang full operation ng phase 1 bago matapos ang taong 2022

Aprubado na ng National Economic and Development (NEDA) Board, na pinangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang phase 1 ng Mindanao Railway Project.

Imahe mula sa DOTr

Ibinigay ng NEDA board ang basbas nito sa pagsisimula ng Tagum-Davao-Digos (TDD) segment ng railway project noong ika-29 ng Nobyembre.

Gagawin sa TDD segment ang single-track electrified commuter rail line na may habang 105 kilometro – kinabibilangan ito ng 76 kilometer-long section sapagitan ng siyudad ng Tagum at ng Davao City, at 29 kilometer-long section sa pagitan naman ng Davao City at Digos City.

May probisyon ang rail line para sa karagdagang riles kung kakailanganin sa hinaharap.

Kabilang sa phase 1 ng proyekto ang pagtatayo ng walong istasyon ng tren sa kahabaan ng TDD segment – Tagum, Carmen, Panabo, Mudiang, Davao Terminal, Toril, Sta Cruz, at Digos.

Kasama rin sa proyekto ang konstruksyon ng mga tulay o viaducts, at-grade at elevated tunnels at ang pagkakabit ng telecommunications o supervisory control and data acquisition system para sa railway signaling.

Imahe mula sa DOTr

Magtatayo rin ng isang train depot sa Tagum na may lawak na sampung ektarya.

Bibiyahe sa  TDD segment ang anim na diesel multiple unit  passenger train sets. May limang bagon ang bawat train set na kayang tumakbo sa bilis na 160 kilometers per hour.

Sisimulan ang konstruksyon ng TDD segment sa 3rd quarter ng 2020 at inaasahang makukumpleto bago matapos ang taong 2022. Sa ginawang pagtataya, makapagsisilbi ito ng hanggang 130,000 passengers sa unang taon nito ng full operation.

Ang haba ng biyahe sa pagitan ng Tagum at Digos ay mapapaikli sa 1.3 hours na lang mula sa dating 3.5 hours.

Source :

PNA, Facebook

Loading…