Pilipinas, kabilang sa ‘Best Places for Female Solo Travellers’

Imahe mula sa Facebook | Ronel Ambrocio
  • Mayaman ang Pilipinas pagdating sa mga magagandang tanawin
  • Muling napabilang ang Pilipinas sa listahan ng travel guide na Lonely Planet bilang isa sa ‘Best Places to Visit in Asia for Female Solo Travellers’
  • Ayon kay Sofia Levin, kilala ang mga Pilipino sa kanilang pagiging friendly at hospitable kaya napasama ito sa listahan

Hindi maitatanggi ang angking ganda ng Pilipinas pagdating sa mga likas na yaman na kinagigiliwan hindi lamang ng mga lokal na turista kundi maging ng mga dayuhan.

Sa katunayan, nitong Oktubre lang ay ibinalita ng Department of Tourism na umabot na sa mahigit 5 milyon ang mga turistang dumating sa Pilipinas mula sa iba’t ibang bansa.

Imahe mula sa Instagram | Pinas 360

Ayon sa kanilang ulat, mula Enero hanggang Agosto ngayong taon ay umabot na sa 5,554,950 ang foreign tourist arrival sa bansa; mas mataas ng 14.08 porsyento kumpara sa naitala sa parehong mga buwan noong isang taon.

Bukod dito, napabilang din ang Pilipinas sa listahan ng Best Places to Visit in Asia for Female Solo Travellers ng kilalang travel guide na L0nely Planet.

Kuwento ni Sofia Levin na may-akda nito, Pinay ang kaniyang mother-in-law kaya naman kumbinsido siya na isa ang mga Pilipino sa mga pinaka-friendly at hospitable sa mundo.

“I’m convinced Filipino people are some of the friendliest and most hospitable in the world,” sabi niya.

Imahe mula sa Instagram | Pinas 360

Dagdag pa niya, marami raw mga isla sa Pilipinas na maaaring i-enjoy mag-isa. Gayunman ipinaalala rin niya na may mga lugar na mas mainam puntahan kung may kasama kang tagaroon.

“While there are some lesser-visited spots that should be avoided unless with a local, many of the islands are perfect for exploring on one’s own. I want to try to conquer my tendency to over-plan my travels by letting a trip here unfold instead of pre-booking every stay and experience,” sabi niya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na napabilang ang Pilipinas sa listahan ng L0nely Planet. Kabilang ang Palawan sa listahan nila ng isa sa “Best Destinations in Asia Pacific.”

Anu-anong mga lugar sa Pilipinas ang mairerekomenda mo para sa mga solo female traveler?

Loading…