Pilipinas may pinakamababang reading comprehension; DepEd nangakong patataasin ang kalidad ng edukasyon sa bansa

Imahe mula sa Pixabay
  • Pilipinas ang huli sa reading comprehension sa 79 na mga bansa na kumuha ng assessment ng Organization for Economic Co-operation and Development
  • Pangalawa naman sa pinakamababa ang Pilipinas sa Math at Science
  • Pangako naman ni DepEd Secretary Leonor Briones na gagawan nila ng paraan upang masigurado ang quality education sa buong bansa

Pilipinas ang may pinakamababang reading comprehension, ayon sa assessment na ginawa ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD).

Imahe mula sa Pixabay

Naglunsad ang OECD ng Programme for International Student Assessment (PISA) sa 600,000 na mga estudyanteng may edad 15 sa 79 na mga bansa noong 2018. Bukod sa pagiging huli sa reading comprehension, nalaman din ng assessment na pangalawa sa pinakahuli ang Pilipinas sa Mathematics at Science.

Nakakuha ng average na Proficiency Level 1a ang mga Pilipinong mag-aaral na nangangahulugang naiintindihan nila ang literal na ibig sabihin ng mga pangungusap at mga maikling sipi. Nakukuha rin nila ang tema ng binasa at naikokonekta ang iba’t ibang magkakalapit na detalye.

Pero halos 80 percent daw ang mas mababa sa Proficiency Level 2 o hindi naiintindihan ang main idea ng mga akda na may kahabaan. Nahihirapan din daw silang magkumpara base sa isang feature ng akda.

Mula sa mga respondent, .05 percent lang ang nakuha ng Proficienct Level 5 o nakauunawa ng mahahabang mga text at kayang i-identify kung aling impormasyon ang mahalaga. Ang average daw ay Proficiency Level 3.

Samantala, sa Math naman, 353 ang mean ng Pilipinas; mas mababa sa average na 489 points. Sa Science naman, 357 ang mean score ng mga Pilipino habang 489 naman ang average.

Ayon kay Department of Education Secretary Leonor Briones, maglulunsad daw sila ng programang magsisiguro ng quality education sa buong bansa.

Imahe mula sa Pixabay

“With the PISA results also reflecting the learners’ performance in the National Achievement Test, DepEd recognizes the urgency of addressing issues and gaps in attaining quality of basic education in the Philippines,” sabi niya. “In the Philippines, education is our main interest and the most important heritage that we passed on to our learners. We should make quality education accessible to all Filipinos.”

Ang Beijing-Shanghai-Jiangsu-Zheijang group mula sa China ang nanguna sa ranking matapos malampasan ang average ng OECD. Nakakuha sila ng 555 points sa reading comprehension, 591 sa math, at 590 sa science.

Loading…