Pilipinong tumupad sa New Year’s Resolution, 10 percent lang – SWS

Imahe mula sa Unsplash
  • Ayon sa survey na ginawa ng Social Weather Stations (SWS), 10 percent lamang ng mga Pilipino ang nakatupad sa kanilang New Year’s Resolution
  • Bumaba naman ang bilang ng mga may New Year’s Resolution
  • Mula sa 46 percent na naitala noong 2017 ay 33 percent na lamang ang nangakong may gagawing pagbabago ngayong 2019

Nakaugalian na ng mga Pilipino na maglista ng New Year’s Resolution o mga pagbabagong nais gawin sa pagpasok ang bagong taon. Kadalasan, nangangako ang mga Pinoy na hindi na male-late sa paaralan o trabaho, magsisimula nang mag-diet, mag-eexercise na, o ‘di kaya ay sisimulan na ang pag-iipon. Ngunit natutupad nga ba ang mga ito?

Imahe mula sa Unsplash

Ayon sa survey na isinagawa ng Social Weather  Stations (SWS), 10 percent lamang sa mga may New Year’s Resolution ngayong taon ang nakatupad sa kanilang mga pangako. Dagdag pa ng SWS, 33 percent lang ng mga Filipino adults ang may New Year’s Resolution para sa taong 2019, mas mababa kaysa 46 percent na naitala noong 2017.

Tinanong daw nila ang mga respondents sa survey na ginanap mula Disyembre 13 hanggang 16, 2019 kung “Noong nakaraang taon, kayo po ba ay gumawa ng isa New Year’s Resolution o listahan ng mga gustong baguhin ngayong 2019?” Pangalawang beses pa lamang daw itong itinanong ng SWS; ang unang beses ay noong 2017.

Imahe mula sa Unsplash

“Of the 33% who made New Year’s resolutions in 2019, 3 percent said all or nearly all of their New Year’s resolutions have been or will be fulfilled, 7 percent said most of them, 19 percent said a few, and 3 percent said almost none or none,” sabi ng SWS sa kanilang website.

Noong 2017 daw, 6 percent ang nagsabi na lahat o halos lahat daw ay natupad; 12 percent ang nagsabing karamihan dito ay natupad; 23 percent ang nagsabing kaunti, four percent ang nagsabing halos wala o wala, at isang porsyento naman ang hindi sumagot sa tanong.

Ikaw, natupad mo ba ang New Year’s Resolution mo para sa taong 2019?

Source :

SWS

Loading…