Pinakamalaking cruise ship sa Asia nagdala ng libo-libong turista sa Subic

  • Ang pinakamalaking cruise ship na naglalayag sa Asya, dumaong sa Subic
  • Nasa 5,000 banyagang turista ang lulan ng MV Spectrum of the Seas
  • Inaasahan na magpapasok ng mas malaking tourism revenue ang pagdating ng mga malalaking cruise ships hindi lang sa Subic kundi pati na rin sa Olongapo City, Bataan, Zambales at Pampanga

Sa kauna-unahang pagkakataon ang pinakamalaking cruise ship na naglalayag sa Asya ay dumaong sa Subic Bay Freeport noong Biyernes, ika-27 ng Disyembre.

Imahe mula s Royal Caribbean International

Ang pagdaong ng MV Spectrum of the Seas ay lalong nagpalakas sa reputasyon ng Subic Bay Freeport bilang isang umuusbong na cruise ship destination.

Mula sa napakalaking cruise ship ay pumanaog ang nasa limang libong pasahero na kinabibilangan ng mga banyagang turista. Dalawampung tourist bus ang naghihintay sa mga turista na ipinasyal sa iba’t ibang atraksyon sa Subic at sa mga kalapit na komunidad.

Personal na sinalubong ni Subic Bay Metropolitan Authority Chairman and Administrator Wilma T. Eisma ang mga turista na ang karamihan ay mga Chinese.

“More than 20 tourist buses were fielded today for our guests, who would be touring various attractions in Subic and in the nearby communities. This is great news,” ayon sa SBMA top official.

Sinabi pa niya na lalong pinalakas ng pagdating ng MV Spectrum of the Seas ang plano ng ahensya na i-promote ang Subic bilang isang “must-see destination” para sa mga cruise liners.

SBMA Chairman and Administrator Wilma Eisma/Imahe mula sa SBMA

“This is also great news for tourism stakeholders in Central Luzon,” ayon pa rin sa SBMA chairman.

Ang MV Spectrum of the Seas ay ang unang Quantum-Ultra-class cruise ship na ginawa para sa Royal Caribbean International; ang pinakamalaking cruise liner sa buong mundo pagdating sa revenue at ikalawang pinakamalaki pagdating naman sa bilang ng mga pasahero.

Ayon kay Eisma, ang pagdaong ng MV Spectrum of the Seas ay tanda ng second phase ng cruise ship tourism program ng Subic.

Imahe mula sa SBMA

“Beginning January next year, we shall be seeing more and bigger cruise ships in Subic. The MV Spectrum of the Seas will come back for another visit on January 20, to be followed by its sister ship MV Quantum of the Seas, another behemoth that will arrive here on February 28,” aniya.

Inaasahan na magpapasok ng mas malaking tourism revenue ang pagdating ng mga malalaking cruise ships hindi lang sa Subic kundi maging sa Olongapo City, Bataan, Zambales at Pampanga.

Imahe mula sa SBMA

Loading…