Pinay nurse nanalo ng halos P167 million sa raffle draw sa Abu Dhabi

  • Isang Filipina nurse ang masuwerteng nanalo ng grand prize sa Abu Dhabi Big Ticket raffle draw
  • Twelve million Dirham ang grand prize na katumbas ng halos P167 million
  • Kahit nanalo ng malaking halaga ay patuloy pa raw na maninilbihan bilang nurse ang masuwerteng Pinay

Napanalunan ng isang Pinay nurse ang grand prize sa raffle draw ng “Big Ticket Abu Dhabi: The Dream 12 Million Series 210” sa Abu Dhabi. Katumbas ng halos P167 million ang 12 million Dirham na napanalunan ng Pinay na kinilalang si Annabelle Manalastas, na namamasukan bilang nurse sa isang government hospital sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Imahe mula sa Big Ticket Abu Dhabi

Sabi ni Annabelle, kahati niya sa premyo ang ilang kaibigan. Sa nakalipas na apat na taon ay nakailang ulit na raw silang bumili ng ticket at ang pinakahuli ay noong November 29, 2019 na nabunot bilang grand prize winner sa December 3, 2019 draw ng Big Ticket Abu Dhabi.

“We cannot contain our happiness. I just finished the rosary when Richard called. I thank God for answering my prayer. I am in the UAE since 2011. We used to buy tickets on and off for last four years. We are friends in two groups who share money and buy ticket. One of the friends is now in the US. She left from here in July with her last contribution and we decided to put it this month. Now all of us have won,” ani Annabelle sa panayam sa kanya sa Abu Dhabi.

Si Annabelle ay mahigit walong taon na sa Abu Dhabi. Aniya, hindi pa niya alam kung ano ang gagawin sa napanalunang pera. Wala umano siyang balak umuwi sa Pilipinas at patuloy pa ring maninilbihan bilang nurse.

Imahe mula sa Big Ticket Abu Dhabi

Loading…