Pinoy netizens, nag–cheer at pinalakas ang loob ng mga atleta ng Timor-Leste sa SEA Games

  • Nagkaisa ang Filipino netizens sa pagpapalakas ng loob sa mga atleta ng Timor–Leste para sa SEA Games
  • As of December 3, 2019 ay wala pa kasi silang nasusungkit na ginto, pilak, o tansong medalya
  • Pagpapatunay ito ng likas na kagandahang–loob at sportsmanship ng mga Pilipino

Muling ipinamalas ng mga Pilipino ang kanilang sportsmanship at likas na kagandahan ng kalooban dahil sa pag–cheer at pagpapalakas sa “fighting spirit” ng mga atleta ng bansang Timor–Leste kaugnay ng 30th Southeast Asian Games o SEA Games.

Batay sa ipinalabas na tsart na nagpapakita ng naiuwing panalo o medalya ng mga bansa as of December 3, 2019, nangunguna pa rin ang Pilipinas sa mga bansang kalahok na may ginto, pilak, at tansong medalya. Sa kabuuan, may 78 medalya na ang Pilipinas: 41 ay ginto, 23 ay pilak, at 14 ay tanso.

Samantala, wala pang nakukuhang panalo ang bansang Timor–Leste. Kaya naman, hindi nagsawalang–bahala rito ang mga Pinoy netizens. Pinalakas nila ang loob ng mga atleta ng bansang ito upang masungkit ang inaasam–asam na medalya, mapa–ginto, pilak, o tanso. Bumaha ang pag–cheer nila sa lahat ng mga social media platforms, lalo na sa Twitter at Facebook.

Imahe mula sa Twitter

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

“Timor–Leste , just rejoice and enjoy the games whatever happens. We, Filipinos love you. You can do it! God bless you all!”

“Cheer-up for Timor–Leste! Let’s support the nation to win at least any color of medal to boost their Pride!”

“Fight Timor–Leste! We want you to go home with a smile and have something to celebrate… get that gold, silver, or bronze. We win as one!”

“Hi Timor–Leste athletes, be proud of what you have achieved; being here in our country is a big pride for us as Filipinos cheering with all of you guys! The true winner is not how many medals you get but on how you end the fight! Way to go!”

“Filipino community is cheering for Timor-Leste to get a medal. I LOVE THAT! Iyan ang Pinoy! This is somehow not only a showcase of talents and skills, but also of sportsmanship and good camaraderie among Southeast Asians. Mabuhay ang mga Pilipino at Asyano!”

Public Domain Image

Ang Timor-Leste o East Timor ay nasakop ng bansang Portugal at Indonesia sa mahahabang panahon, bago nito makuha ang ganap na kasarinlan noong Nobyembre 28, 1975.

Tunay na maipagmamalaki sa buong mundo hindi lamang talento kundi maging ang likas na kagandahan ng ugali ng mga Pilipino, na sana ay manatili hanggang sa dulo!

Loading…