Pinoy version ‘Mr. Bean’, nagpangiti ng mga bata

Imahe mula kay Roger Ocampo via ABS-CBN News
  • Doble ang saya ng mga kabataang pinuntahan ng 60 anyos na si Roger Ocampo
  • Bukod kasi sa mga dala niyang regalo ay nakabihis din siya bilang sikat na karakter na si Mr. Bean
  • Pinag-aralan niya raw maging ang kilos nito dahil noon pa man ay hilig niya na ang magpasaya ng mga bata

Isang lalaking nakabihis bilang Mr. Bean, ang sikat na cartoon character na ginampanan din ni Rowan Atkinson, ang naghahatid ng saya sa mga bata ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Imahe mula sa video ni Anjo Bagaoisan via Twitter

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, naglilibot daw ang 60 anyos na si Roger Ocampo sa iba’t ibang mga 0spital at shelter sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya upang magpangiti ng mga batang walang tahanan, may sakit, at out-of-school youth. Nakaakyat na rin daw siya sa bundok, kung saan nag-entertain siya ng mga batang Aeta sa Pampanga. Lahat daw ito ay ginagawa niya nang libre.

“I’m doing it for the glory of God. Ang ipinapakilala ko rito ay kagandahang-loob ng Diyos na nariyan siya para ibigay ang mga pangangailangan ng mga kabataang ito. Bigyan lang sila ng simpleng ngiti, sila ay anghel na sa mata ng Diyos,” sabi niya.

Kumpleto ang get-up ni Ocampo mula sa brown na coat at slacks, pulang tie, at maging ang nunal ni Mr. Bean ay kuha niya. Dala-dala niya rin ang manikang si Teddy.

Una raw napansin ng mga mga kasamahan niya sa Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR) ang pagkakahawig niya kay Mr. Bean.

“May nagbiro sa akin na nilagyan ako ng nunal. Pinag-aralan ko. Kasi kahit hindi pa ako Mr. Bean, talagang matulungin na ako sa bata,” sabi niya.

Imahe mula sa Facebook | Roger Ocampo

Noong bisperas ng Pasko, kasama ni Ocampo ang kaniyang pamilya, kabilang na ang mga anak niyang may edad na 17 at 10, bilang mga punong abala sa pagdaraos ng Christmas party para sa mga bata sa kanilang lugar sa General Trias, Cavite.

Naging masaya ito dahil napuno ito ng mga batang masayang sumali sa mga palaro at nakisabay sa sayawan. Nakatanggap din sila ng regalo mula kay Mr. Bean.

Matapos ang kasiyahan ay tinuruan niyang magpasalamat ang mga bata kay Hesus para sa mga natanggap na biyaya.

“Those gifts right here are not from Mr. Bean, it’s from God. So you have to thank Jesus, for Jesus is giving these gifts,” sabi niya pa sa ABS-CBN.

Imahe mula sa Facebook | Roger Ocampo

Loading…