PNR train na may CR, reclining seats, bumibiyahe na

Imahe mula sa Facebook | Rogel Mari Sese
  • Bumili ang pamunuan ng Philippine National Railway ng bagong mga tren na may CR at reclining seats mula sa Japan
  • Bukod dito, pinalawak din nila ang biyahe ng PNR patungong Los Banos na noon ay umaabot lang sa Calamba sa Laguna
  • Pinangako naman ni Transportation Secretary Arthur Tugade na marami pa silang gagawing pagbabago para sa PNR

Tren na may comfort room, stowable tables, leg rest, at reclining seats. Lahat ng ‘yan ay maaari nang maranasan ng mga mananakay ng Philippine National Railway (PNR).

Imahe mula sa Facebook | Rogel Mari Sese

Kamakailan lamang ay bumili ang pamunuan ng PNR ng Kogane train set na may tatlong coaches mula sa Japan. “Passengers can enjoy reclining and rotating seats, stowable tables, leg rests, and a comfort room inside the train. The said train set from Japan can accommodate 81 passengers,” sabi ng DOTr.

Ibinahagi ng astrophysicist na si Rogel Mari Sese ang mga larawan ng Kogane train sa Facebook at ikinatuwa naman ito ng netizens.

Bukod dito, nagsimula na ring i-extend ng PNR ang kanilang biyahe sa Los Banos, Laguna, kaya nadagdagan na ng limang estasyon ang PNR line mula Tutuban sa Maynila hanggang Calamba, Laguna. Ang mga bagong estasyon ay makikita sa Pansol, Masili, Los Banos,  College, at International Rice Research Institute. Ayon sa DOTr, P150 ang pamasahe patungong Los Banos.

Siniguro ni PNR General Manager Junn Magno na magiging smooth ang operasyon ng linya dahil nakapagsagawa na raw sila ng mga test run.

“With the holiday season in full effect, we might increase trip frequency the moment ridership improves. Our engineering department has certified the line to be passable, and our Operations and Rolling Stock departments made the necessary preparation for the extension of the service,” sabi ni Magno.

Bukod daw sa tren mula sa Japan, dalawa pang tren ang darating mula sa Indonesia sa susunod na linggo at madadagdag sa PNR line na may biyaheng Tutuban – FTI at Malabon – FTI.

Imahe mula sa Facebook | Rogel Mari Sese

“On top of the two train sets comprised of three rail cars each that are due to arrive next week, 31 more coaches are set to be delivered from December 2019 to February 2020,” dagdag ng DOTr.

Samantala, nagpasalamat naman si Transportation Secretary Arthur Tugade sa pagsisikap ng pamunuan ng PNR na i-modernize ang kanilang mga tren at palawakin ang kanilang serbisyo.

“Umpisa pa lamang po ito, dahil marami pa pong ihahandog ang PNR na makakaabot ang riles sa iba’t ibang parte ng bansa,” sabi niya.

Loading…