PNR umorder sa China ng mga tren na gagamitin sa biyaheng Bicol

  • PNR nag-order ng tatlong train sets sa CRRC Zhuzhou Locomotive Co. Ltd. ng China
  • Nakatakdang i-deliver ang mga bagong tren sa June 2021
  • Ang mga China-made trains ay gagamitin sa long-haul service ng PNR na biyaheng Bicol

Pumirma ng kasunduan ang Philippine National Railways (PNR) sa isang Chinese company para sa pagbili ng mga bagong tren na gagamitin sa biyaheng Bicol.

Imahe mula sa DOTr

Tatlong train sets na may tatlong bagon bawat isa ang inorder ng PNR sa CRRC Zhuzhou Locomotive Co. Ltd.; ang kumpanya na nanalo sa bidding na ginawa noong buwan ng Oktubre.

Ang kasunduan ay nilagdaan nina PNR General Manager Junn Magno at CRRC Locomotive vice president Wang Qiaolin noong Miyerkules, ika-18 ng Disyembre, para sa tatlong standard gauge diesel multiple unit trains. Sinaksihan ni Department of Transportation Secretary Art Tugade ang contract signing.

“This is a very momentous occasion for us because this is where we will start the railway service and transform the Philippine National Railways,” pahayag ni PNR GM Magno.

“This train will represent the first trip for the South Long Haul Project or what we call the PNR Bicol and it would cut down significantly by 80 percent the travel time between Manila and the Bicol region,” dagdag pa ni Magno.

Imahe mula sa DOTr

Ang pagbili ng mga bagong tren sa China ay bahagi ng plano ng PNR na gawing moderno ang train system nito.

Inaasahang mapaiikli ng PNR Bicol ng hanggang 80% ang travel time sa pagitan ng Maynila at Bicol Region, pahayag ni Magno matapos ang pirmahan ng kontrata.

Nakatakdang i-deliver sa bansa ang mga tren sa June 2021.

Inisyal na gagamitin ang mga tren sa PNR long-haul service mula sa Calamba City sa Laguna hanggang sa Naga City sa Camarines Sur at sa kalaunan ay aabot ito hanggang sa Legazpi City sa Albay.

Ang mga tren ay may business class, first class at second-class accommodations. Kaya nitong magsakay ng 168 na pasahero.

Imahe mula sa DOTr

Loading…