Pope Francis, hinikayat ang lahat na huwag gumamit ng cellphone sa hapag-kainan

  • Hinihikayat ni Pope Francis na ibalik ang komunikasyon sa loob ng pamilya
  • Pinansin niya na maraming kabataan ngayon na kahit nasa hapag-kainan ay abala sa paggamit ng cellphone
  • Ang Holy Family ang dapat pamarisan ng mga pamilya ngayon, ayon sa papa

Sa isang misa na isinagawa ni Pope Francis kasabay ng pagdiriwang ng Feast of The Holy Family of Nazareth noong Linggo, ika-29 ng Disyembre, hinikayat niya ang lahat na muling palakasin ang komunikasyon sa loob ng pamilya.

Royalty-free stock photo mula sa Shutterstock

Dapat raw na nag-uusap ang magpapamilya at hindi paggamit ng cellphone ang inaatupag.

Ang tanong niya sa mga dumalo ng misa, alam pa ba nila kung paano kausapin ang bawat isa o tulad sila ng mga kabataan sa hapag-kainan na may hawak na cellphone bawat isa at nakikipag-chat?

Aniya, sa lamesang iyon ay may katahimikan na tila nasa isang misa sila subalit walang komunikasyon na namamagitan sa bawat isa.

“In your family, do you know how to communicate with each other, or are you like those kids at the table — each one has their own cell phone, chatting? In that table there is a silence as if they were at Mass, but they don’t communicate with each other,” anang Pope sa kanyang Angelus address.

“We need to retake communication within the family: parents, children, grandparents and siblings must communicate with each other. This is your assignment for today for the feast of the Holy Family,” dagdag pa ng papa.

Imahe mula sa The Church Leader

Ayon kay Pope Francis, ang Holy Family ang dapat pamarisan ng mga pamilya ngayon.

“They prayed, worked and communicated with each other”, aniya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinagsabihan ni Pope Francis ang mga mananampalataya tungkol sa sobrang paggamit ng cellphone.

Matatandaang noong 2017, sinabi niyang nalulungkot siya na kapag siya ay nagmimisa ay maraming cellphones ang nakataas at kinukunan siya ng litrato.

Aniya, hindi lang ang mga nagsisimba , kundi maging ang mga pari at obispo ay kabilang sa mga kumukuha ng kanyang litrato gamit ang cellphone.

Imahe mula sa The Vatican News

Loading…