Pope Francis, nagbahagi ng aral tungkol sa kakaibang Belen na tinawag na ‘Let Mom Rest’

Screen capture mula sa larawan ng Catholic News
  • Isa ang Belen o Nativity scene sa mga madalas na makita tuwing sasapit ang Pasko
  • Noong kaniyang kaarawan, may nagbigay raw kay Pope Francis ng card na nagpapakita ng kakaibang Nativity scene
  • Makikita ritong natutulog si Maria habang si Joseph ang nagpapatulog kay Hesus

Kilala ang Pilipinas bilang bansang may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko. Pagsapit pa lang kasi ng Ber months ay nagsisimula nang magningning ang mga bahay at daan dahil sa mga parol at Christmas lights.

Imahe mula sa Unsplash

Bukod sa mga ito, isa rin sa mga madalas na makita tuwing papalapit na ang Pasko ay ang Belen o ang Nativity scene kung saan makikita  ang Holy Family — si Joseph, Maria, at ang bagong silang na si Hesus.

Sabi ng Catholic News, iminungkahi ni Pope Francis ang pag-set up nito sa mga tahanan at maging sa eskwelahan, opisina, at iba pang pampublikong lugar bilang paalala sa tunay na diwa ng Pasko.

“God did not remain invisible in heaven, but came to earth, that He was made man, a baby. God always has been close to His people, but when He was incarnated and born, He became very close, super close, the closest,” sabi niya.

Ikinatutuwa rin daw niya na karamihan ng mga Belen ay itinatampok ang batang si Hesus na may bukas na mga kamay na sumisimbolo sa pagyakap niya sa sangkatauhan.

Pero para sa kaniyang kaarawan nito lamang Disyembre 17, may nagpakita raw sa kaniya ng larawan ng kakaibigang manger na tinawag na “Let Mom Sleep,” kung saan makikitang natutulog si Maria at si Joseph ang naghehele sa bagong panganak na sanggol.

Imahe mula sa Instagram | Pope Francis

“Yesterday I was given a card of a special Nativity scene, a little one, that was called ‘Let Mom Sleep.’ And there was Mary sleeping and Joseph with the baby Jesus, trying to get him to sleep. How many of you husbands and wives have had to take turns in the night to care for the baby who was crying and crying and crying?” tanong niya. “Letting Mom rest — it’s the tenderness of a family, of a marriage.”

Hiling ng Santo Papa, maging paalala sana ang belen na sa kabila ng ingay at pagiging abala ngayong Kapaskuhan ay makahanap ang mga tao ng panahon upang tumahimik sandali sa harap ng Nativity scene at ibahagi kay Hesus ang nilalaman ng kanilang puso.

“I hope you will set up a Nativity scene at home because it is an occasion to invite Jesus into your life,” sabi niya.

Loading…