Publishing House, may ibinahaging nakatutuwang guide sa pamimigay ng Aguinaldo ngayong pasko

  • Aguinaldo guide para sa mga ninong at ninang mula sa Vibal Group
  • Hindi na kailangang magtago sa iyong  mga inaanak dahil ang iyong problema ay may solusyon na
  • Napasaya mo na ang mga inaanak mo, nakahinga pa ang iyong bulsa

Isa ka rin ba sa mga ninong at ninang na hindi na mapakali sa kaiisip ng ibibigay na aguinaldo sa inyong mga inaanak?

Imahe mula sa Facebook page ng Vibal Group

Huwag nang mag-alala pa dahil ang inyong mga katanungan, agam-agam, at pag-aalinlangan  ay mayroong solusyon.

Isang Aguinaldo Matrix ang inihandog ng publishing house na Vibal Group upang matulungan ang mga butihing mga ninang at ninong sa pamimigay ng kanilang regalo sa mga minamahal na inaanak sa darating na araw ng Pasko.

Hindi mo kailangan ng malaking halaga dahil siguradong pasok sa iyong budget at ang pao (pulang sobre) ang mga sumusunod na pang-aguinaldo.

Base sa ibinahaging aguinaldo matrix, kung ang mamamasko sa ‘yo ay nakiki-ninong o nakiki-ninang lamang, sapat na ang pamaskong P20.00 hanggang P50.00. Hindi sa pangunguripot subalit marami na ang mabibili ng isang bata sa ganitong halaga, nakatipid ka pa sa hindi mo naman inaanak.

Maaari ka namang magbigay ng P100.00 sa iyong mga inaanak na nagpapakita o naaalala ka lang tuwing araw ng Pasko at alam mong aalis agad sa inyong bahay pagkakuha ng kanyang aguinaldo.

Hindi na rin nakahihiya magbigay ng P150.00 na aguinaldo lalo na kung hindi mo naman kamag-anak o kaibigan ang magulang ng iyong inaanak.

Para naman sa iyong inaanak na tuwing Pasko ka lang binibisita at naaalala subalit pinagbubutihan ang kanyang pag-aaral, nararapat lamang na siya ay bigyan ng P200.00.

Imahe mula sa Pixabay

Kung ang iyong inaanak ay may bitbit na regalo para sa ‘yo, dapat mo siyang bigyan ng aguinaldo na hindi bababa sa P250.00.

Ihanda mo naman ang P300.00 sa bawat inaanak mo na nakikipagkuwentuhan kahit tapos nang kumain at makuha ang kanyang aguinaldo, sa inaanak na kamag-anak o kaibigan ang kanyang magulang, at sa inaanak na ka-close mo subalit pasaway.

Syempre, hindi mawawala ang inaanak na sobrang bait at ka-close mo kaya dapat siyang bigyan ng P500.00 dahil walang duda, siya ang favorite mo.

Imahe mula sa Facebook page ng Vibal Group

Ang mga halaga ng aguinaldo na nabanggit ay pawang mga guide lamang. Layunin nito na makapagpasaya ng mga inaanak at iba pang bata sa paraang hindi ka maghihirap o magtatago sa araw ng Pasko na dapat ay ipinagdiriwang ng maluwalhati.

Kaya sa lahat ng mga ninong at ninang, hindi mo kailangan ng magagarang regalo o malalaking halaga ng aguinaldo para iparamdam ang pagmamahal mo sa iyong mga inaanak.

Habang maaga pa ay turuan sila na kahit gaano kahirap ang buhay, ang mahalaga ay sama-samang sasalubungin nang masaya at masigla ang araw ng Pasko at Bagong Taon.

Source :

Facebook

Loading…