
- Mga matatabang puli
ssa Mexico binabayaran para magpapayat - Bibigyan ng $50 a month bonus ang mga puli
sna lumahok sa “Healthy Police” program - Ang bilang ng mga polic
eofficers sa Mexico City ay 4,279 at ang 2,453 sa kanila ay overweight at ang 1,826 ay mga obese
Mahigit isanlibong officers sa Mexico ang lumahok sa programang “Healthy Police” para magbawas ng timbang at makuha ang bonus na nagkakahalaga ng $50 kada buwan. Ang naturang programa ay para sa mga overweight na officers sa Mexico, na isa sa mga bansang may maraming obese o sobrang taba na mga mamamayan.

Sa pamamagitan ng Healthy Police Program, ang Mexico City Citizen Security Secretariat (SSC) ay nag-alok ng insentibo sa mga police officers na matataba upang ma-improve ang kanilang physical health sa iba’t ibang pamamaraan kabilang na ang pagbabawas ng kanilang timbang.
Ayon sa fitness instructor ng mga pulis na si Javier Ramirez, ang healthy police program ay isang paraan upang labanan ang obesity problem ng Mexico at upang maging mas epektibo ang mga pulis sa pagganap ng kanilang mga tungkulin.
“This programme is a way to fight the obesity problem we have in Mexico, the sedentary lifestyle. We want them to be in optimal condition so they can do their jobs effectively,” ani Ramirez.
Ayon naman kay Alejandra Ramírez, ang sub-director ng police research and development ng SSC, napakahalaga na nasa pinamakamagandang pisikal na kundisyon ang mga kapulisan upang magampanan nila ang kanilang trabaho.
Ang bilang ng mga police officers sa Mexico City ay 4,279. Ang 2,453 sa kanila ay overweight at ang 1,826 ay mga obese.

Sinabi ni Alejandra Ramirez na ang target ng SSC ay mahikayat ang mga police officers na magkaroon ng healthy habits habang sumasailalim sa programa kung saan makatatanggap sila ng bonus. Ang extra money na makukuha ay maaari umanong magamit ng mga pulis upang ayusin ang kanilang diyeta.
Bukod sa pag-eehersisyo, may nutrition counseling session din para matulungan ang mga police officers na kumain ng balanced diet.
