PWD na maiksi ang isang paa at walang mga braso, tinulungan ng anak ni Raffy Tulfo

  • Isang PWD na may mabuting puso, tinulungan ng anak ni Raffy Tulfo
  • Humingi ng tulong sa Raffy Tulfo in Action ang PWD at hindi nagdalawang-isip  ang anak ni Raffy Tulfo na tumulong
  • Naging maligaya ang Pasko ng PWD dahil sa mga biyayang ipinagkaloob sa kanya

Naging napakaligaya ng Pasko ng isang lalaking may kapansanan sa Isabela matapos siyang tulungan ng anak na babae ni idol Raffy Tulfo.

Screenshot mula sa video ng Raffy Tulfo in Action

Ayon sa isang staff ng Raffy Tulfo in Action, hindi nagdalawang-isip ang anak ni Tulfo na si Maricel nang ipaalam sa kanya ang sitwasyon ng isang person with disability (PWD) na naninirahan sa Cauayan City, Isabela na humingi ng tulong na magkaroon ng trabaho para matustusan ang pangangailangan ng nag-iisang anak.

Kinilala ang lalaki bilang si Jerry Angolwan. Ipinanganak siyang walang mga braso at maiksi ang isang paa.

Kuwento ni Mang Jerry, iniwan siya ng kanyang asawa na nagtungo sa Maynila. Hindi na umano ito bumalik kaya siya ang mag-isang nagtataguyod ng pag-aaral ng anak na nasa Grade 5 na.

Nag-aalaga ng manok si Mang Jerry at ang napagbebentahan niya ng mga ito ang ibinibigay niya sa anak na, aniya, ay naninirahan sa mga kamag-anak niya at umuuwi lang sa kanya kapag bakasyon. Minsan sa isang buwan ay dinadalaw daw niya ang anak upang abutan ng perang pambaon sa paaralan.

Screenshot mula sa video ng Raffy Tulfo in Action

Naiiyak na nagkwento ang pamangkin, na ngayon ay isa nang guro, na hindi pa niya naibabalik ang kabutihang ginawa ni Mang Jerry.

Personal na nagtungo sa Cauayan City ang anak ni Tulfo at inalam ang kalagayan ng PWD. Naiyak pa si Maricel sa kjwento ng buhay ng lalaki.

Dahil sa tulong ni Maricel ay bumuhos ang biyaya kay Mang Jerry na taos-puso namang nagpasalamat sa anak ni idol Raffy.

I-click ang larawan upang mapanood ang video ng pagtatagpo nina Maricel at Mang Jerry:

Source :

Facebook

Loading…