Sa halip na sa altar, lalaki hinatid ang kasintahan sa huling hantungan

Imahe mula sa Facebook | Ryan Casidsid at Kelvin Casidsid
  • Pinag-uusapan ngayon sa social media ang heartbreaking na kuwento nina Richielyn Jimenez at Ryan Casidsid
  • Nakatakda na sana silang ikasal sa Disyembre 21 ngunit hindi na umabot sa petsang ito si Jimenez
  • Sa paghahatid sa huling hantungan na lamang naisuot ni Casidsid ang coat habang suot naman ni Jimenez ang kaniyang bridal  gown

Nakatakda na sanang ikasal ang magkasintahan na sina Richielyn Jimenez at Ryan Casidsid ngayong buwan ng Disyembre, ngunit bago pa man sila mangakong magsasama “in sickness and in health”  ay dumaan na sila sa isang malaking hamon nang magkasakit at binawian ng buhay ang bride-to-be.

Kurot sa pus0 ang naramdaman ng netizens sa ini-upload na video ng kaanak ni Casidsid sa Facebook na nagpapakita sa kaniyang lumuluha habang mag-isang naglalakad patungo sa altar kasabay ng pumapailanlang nilang theme song na “I swear.” Sa halip kasi na sa kasal, naisuot niya ang pulang suit niya sa paghahatid sa huling hantungan ng babaeng papangakuan niya sana ng habambuhay.

I-click ang imahe para mapanood ang video via Facebook

Kuwento ni Casidsid sa isang Facebook post, Disyembre 10, 2017 nang opisyal siyang sagutin ni Jimenez matapos ang ilang buwang panliligaw. Mahigit isang taon lamang ang lumipas at noong Enero 2019 ay niyaya na niyang magpakasal si Jimenez. “That day, I was the happiest man on earth. After a week, namanhikan kami sa inyo. Sobrang saya both families natin noon,” sabi niya.

Tila sunud-sunod ang magagandang bagay na nangyayari para kay Casidsid dahil dalawang linggo lamang ang lumipas ay nalaman nilang magkakaanak na sila ni Jimenez. “Sobrang saya ko talaga noon. Ang dami nating plans,” aniya.

Ngunit noong March 28 daw ay nakunan si Jimenez. Upang makalimot kahit sandal ay itinuon nila ang atensyon sa preparations para sa nakatakda nilang kasal sa Disyembre 21. “Everything was already okay. Akala namin tuluy-tuloy na ang happy ending. ‘Yon pala ay simula pa lang ng malaking ham0n,” dagdag niya.

Napansin daw ni Casidsid ang paglaki ng tiyan ni Jimenez kaya dinala niya ito sa 0spital noong October 18. Doon ay nalaman na may ascites siya o pagkakaroon ng accumulation ng fluid sa tiyan. Nakalabas din naman si Jimenez matapos ang mahigit dalawang linggo. Ngunit dumaing naman daw siya ng matinding pagsakit ng ul0. Matapos ang ilang pagsusuri at paglipat sa mga 0spital ay nalamang may TB meningitis siya.

Imahe mula sa Facebook | Ryan Casidsid

“Lumipas ang mga araw at gabi, lalo niyang ininda ‘yong sakit ng ul0 niya. That moment, ginusto ko nang sumuko pero sabay kaming nagdasal. Sabi niya, ‘Lord, sana bigyan mo pa ako ng chance na mabuhay kasi gusto ko pang magka-pamilya,’” kuwento ni Casidsid.

Hindi na raw niya napigilan ang luha lalo na nang magbilin na si Jimenez na pagsamahin sila ng anak kung sakaling may mangyari sa kaniya. Nitong Disyembre 2, ilang linggo na lang bago sana ang kanilang pag-iisang dibdib ay tuluyan nang namaalam siJimenez.

“Sino nga bang mag-aakala na ang gown na aming pinagawa ay sa ganitong sitwasyon na niya isusuot?” sabi ni Casidsid. “Mahal, bye for now. Mananatili ka sa aking pus0 at isipan. I will always love you.”

Narito ang buong kuwento ng kanilang journey sa post ni Ryan:

Iclick ang imahe para makita ang buong post via Facebook:

Loading…