Sa ika-4 na anibersaryo ng ‘Ang Probinsyano,’ Coco Martin binalikan kung paano nakuha ang role na Cardo Dalisay

Imahe mula sa Instagram | Coco Martin
  • Ipinagdiwang ng teleseryeng ‘Ang Probinsiyano’ ang ika-4 na taon ng pag-ere nito
  • Kinuwento ni Coco Martin kung paano niya nakuha ang lead role na si Cardo Dalisay
  • Sa mga susunod na taon daw, abangan ang mas matindi pang mga kaganapan at maging mga artista na mula sa ibang bansa

Sa pagdiriwang ng ika-4 na anibersaryo ng “Ang Probinsyano,” binalikan ni Coco Martin kung paano niya nakuha ang main role dito na si Cardo Dalisay.

Imahe mula sa Instagram | Coco Martin

Kuwento ni Coco, naisip daw ni Charo Santos Concio na gumawa ng tribute para sa mga pulis dahil sa nangyari sa SAF 44. “Actually kinapalan ko ang mukha ko. Kasi ako ‘yong nakaisip ng project. Kasi sabi ni Ma’am Charo ‘Bakit hindi tayo mag tribute sa mga pulis?’ kasi that time ‘yong nangyari sa SAF 44, may ibang project ako na dapat gagawin. Tapos sabi ko ‘Bakit hindi natin gawin ‘yung pelikula ni FPJ noong araw?’ Sabi nila ‘Ano ‘yun?”

Nakita raw noon ni Coco ang potensyal ng pelikula ni Fernando Poe Jr. na “Ang Probinsyano” kung magiging teleserye ito dahil akma raw ito sa buhay ng mga Pilipino. “’Di nila napanood kaya pinapanood namin. Noong pinanood namin, akmang akma siya sa buhay ng Pilipino,” sabi niya pa.

Sabi pa ni Coco na direktor din ng teleserye, natapos na ang orihinal na kuwento nito matapos ang apat na buwan at nagulat daw siya na nagdire-diretso ang programa. “Parang kahit kami hindi namin maintindihan na bakit humaba siya nang humaba. Hindi namin inaasahan na magdidire-diretso na siya na parang yung buong show nagkaroon ng sariling buhay,” dagdag niya pa.

Imahe mula sa Instagram | Coco Martin

Ngayong apat na taon na ang programa, dapat daw asahan ng mga manonood ang marami pang twist at pakulo.

“Ngayong four years ka na, kailangan mo nang i-upgrade ‘yong kuwento n’yo, ‘yong mga pangayayari. Dati kasi lagi lang kinukuwento natin ano ‘yong buhay ni Cardo, sa pamilya niya sa sarili niya. Ito, next year, ang magiging kuwento na natin ang buong mundo. Kasi ano pa ba ang hindi pa pinagdaraanan ni Cardo? Kumbaga, ito na ‘yung pinakamatinding laban,” sabi pa ni Coco.

Asahan din daw na may foreign actors na madadagdag sa show.

Source :

ABS-CBN News

Loading…