Sa unang pagkakataon: Pope Francis, pangungunahan ang unang araw ng Simbang Gabi sa Roma

Imahe mula sa Instagram Pope Francis
  • Inaabangan ng mga Pilipino sa Roma ang unang araw ng Simbang Gabi roon dahil pangungunahan ito ni Pope Francis
  • Nilimitahan lamang ang bilang ng mga maaaring makadalo rito dahil 7,500 lamang daw ang capacity ng St. Peter’s Basilica
  • Excited naman ang mga Pilipino na nag-audition upang maging bahagi ng choir na kakanta sa misa

Sa unang pagkakataon ay pangungunahan ni Pope Francis ang pagdiriwang ng unang araw ng Simbang Gabi sa December 15 sa St. Peter’s Basilica sa Rome.

Imahe mula sa Instagram | Pope Francis

Inaasahang 7,500 katao ang dadalo sa 4:30 p.m. (10:30 p.m., Manila time) na misang ito. Sabi ni Filipino Chaplaincy in Rome Fr. Ricky Gente, gusto sana nilang mag-accommodate ng mas marami pang Pilipino pero kailangan nilang sundin ang capacity ng simbahan.

“We have thousands of Filipinos who requested early but we are not allowed to go beyond that sitting capacity of the basilica,” sabi ni Fr. Gente.

Kasama ni Pope Francis ang 150 pang mga pari kabilang si Cardinal Vicar Angelo de Donatis, Vicar ng Rome at Fr. Leonir Chiarello, head ng Scalabrinians. Inaasahan ding dadalo ang Ambassador ng Holy See na si Grace Relucio-Princesa at Ambassador to Italy Domingo Nolasco.

Ang mga susunod na Simbang Gabi naman ay idaraos sa Santa Pudenziana Basilica.

Samantala, excited naman ang mga Pilipino sa Roma na nag-audition pa para maging bahagi ng choir sa misa ng Santo Papa.

“Isang magandang regalo sa akin ito ng Diyos kung sakaling makasama ako rito sa Simbang Gabi coro,” sabi ni Marivic Matira sa ABS-CBN News.

Imahe mula sa Instagram | Pope Francis

Si Manny Cadawas naman na kabilang din sa 100 na dumalo sa tryouts ay excited din na mapabilang sa choir.

“Siyempre excited. Siyempre napakahalaga po nun kasi minsan lang sa buhay na magkaroon ng pagkakataon na makakanta sa Vatican, matagal ko nang hinahangad ‘yon e,” sabi niya.

Ang Simbang Gabi ay isang tradisyong Pilipino kung saan nagdaraos ng misa siyam na araw bago ang araw ng Pasko.

Loading…