Samboy Lim’s daughter: SEA Games gold medalist at UP Diliman summa cum laude

Imahe mula sa Facebook ni Samboy Lim at mula sa video ng ABS-CBN News
  • Makaraang magtapos bilang summa cum laude noong Hunyo, gold medal naman mula sa karate sa SEA Games ang iniuwi ni Jamie Christine Lim
  • Ayon sa kaniya, iniaalay niya ang pagiging summa cum laude sa inang si former PAGIBIG CEO Darlene Berberabe habang ang gold medal naman ay para sa amang si PBA legend Samboy Lim
  • Kababalik lamang sa karate ni Jamie noong Hulyo dahil nag-focus siya sa kaniyang pag-aaral

Summa cum laude is for mom; SEA Games gold is for dad.

Ito ang sabi ni Southeast Asian (SEA) Games karate gold medalist na si Jamie Christine Lim na walang mapagsidlan ng tuwa sa sunud-sunod na karangalan na natanggap ngayong taon.

Nitong Hunyo lamang, nagtapos ang anak ni PBA legend Samboy Lim at former PAGIBIG CEO Darlene Berberabe bilang summa cum laude sa kursong BS Mathematics sa University of the Philippines – Diliman. Siya rin ang naging batch valedictorian.

Imahe mula sa Instagram | Jamie Lim

Matapos mag-focus ng apat na taon sa kaniyang pag-aaral ay saka lamang siya bumalik sa first love niya na karate. Worth the wait naman ang pagbabalik niya at naging emosyonal siya nang talunin sa finals ang Indonesian representative na si Georgia Zefanya Ceyco.

“Karate has always been in my heart and 2019 SEAG in the Philippines, how special is that? The timing is perfect, I got my goal sa academics and I think the signs just told me to. It’s calling me to come back and I just went for it, bahala na, and it paid off,” sabi ni Lim na nagsimula lamang mag-training noong Hulyo.

“I just started this July. Four years ako nag-stop sa karate ‘cause I was focused on academics and sobrang against the odds kasi ang mga kalaban ko, full-time athletes. Nag-full lang ako, five months ago,” dagdag pa niya.

Imahe mula sa video ng ABS-CBN

Hindi man personal na napanood ng binansagang “Skywalker” na si Samboy ang pagkapanalo ng anak ay updated naman daw ito.

“Kahit nasa bahay, nag-aabang lang. Nagfe-Facetime kami sa kaniya kahapon and kanina. Tinetext namin siya na pasok na siya sa finals. I’m sure that Samboy is so proud of his daughter,” sabi ni Berberabe. Matatandaang inatake sa sa pus0 si Samboy noong 2014.

Si Samboy ay nakasungkit rin ng SEA Games gold medal sa basketball noong 1980s. “To even come close to him, as in to even be compared to him and to mom parang it’s so big for me kaya today is so special for me,” sabi ni Jamie.

Congratulations, Jamie!

Loading…