Sana all: Couple na magkahawak-kamay habang naglalako ng chichirya, kinakiligan ng mga netizens

  • Patok sa social media ang couple na magkasama anuman ang pagdaanan
  • Magkahawak-kamay kasi silang nagbebenta ng chichirya sa kalye
  • Maraming netizens ang kinilig at nais tularan ang magandang relasyon ng dalawang nasa viral na larawan

Hiling ng marami sa atin na makakita ng taong mamahalin tayo sa ating kalakasan at maging sa kahinaan. Nais din nating makatagpo ng taong tayo pa rin ang pipiliin sa kabila ng mga panahong wala tayong maibigay na karangyaan dito at tanging bukal sa loob na pagmamahal lamang ang tanging yaman na taglay natin.

Kaya naman napa-‘sana all’ ang maraming netizens sa nakakikilig na larawan ng couple na nakuhanan ng larawan habang naglalakad. Magkahawak kasi ang kanilang kamay habang sabay na nagtitinda ng chichirya sa lansangan.

Larawan mula sa Facebook account na Good Goods

Ibinahagi ng Facebook account na Good Goods ang larawang maraming pages na rin sa Facebook ang nagbahagi. Hindi man matukoy kung sino sa kanila ang original uploader, talaga namang viral ang larawan dahil sa magandang mensahe nito. Magkahawak kasi ang mag-asawa ng kamay habang sulong-sulong sa kanilang ulo ang basket ng mga panindang chichirya.

Lalo pang nakadagdag sa pagkaantig ng mga netizen ang caption ng account na nag-upload dahil ayon dito, hulog daw ng langit ang isang taong hindi ka iiwan kahit dumating ang panahon na pareho na kayong kailangang kumayod para sa pamilya.

Wala pang 24 oras na naka-upload ang larawan ay umani na ito agad ng napakaraming reactions at shares. Habang isinusulat ang balitang ito, mayroon nang 28,000 reactions, 4,200 comments, at 42,000 shares ang nasabing larawan.

Maraming netizens naman ang nagbigay pugay din sa kanilang mga karelasyon na nananatili sa kanilang buhay anuman ang suliranin na pagdaanan nila. Ipinarating nila sa kanilang partner ang wagas nilang pagmamahal na katulad ng ipinakikita ng larawan.

Larawan mula sa Pexels

May ilang netizens naman na pinalalakas ang loob ng kanilang partner na dumaraan ngayon sa pagsub0k. Ayon sa netizen, kayang-kaya raw nilang harapin ang anumang balakid basta magkasama sila at magiging magkaagapay hanggang malampasan ito.

“Kayang-kaya natin yan mahal. Basta tulad nina nanay sa picture, sabay lang nating haharapin ang mga pagsub0k at magkasabay natin yang malalampasan. I l0ve you!” pahayag ng isang netizen sabay tag sa kanyang asawa.

Loading…