Sana all! Mister niregaluhan ng misis dahil sa pagiging mahusay na asawa

  • Niregaluhan ng isang misis ang kaniyang mister
  • Pagpapakita ito ng pagpapahalaga sa kaniyang responsable, masipag, maalaga, at mapagmahal na asawa
  • Sana raw ay maging inspirasyon ang kaniyang mister sa iba pang mga asawang lalaki 

Ang mga ama ay itinuturing na “haligi ng tahanan” ng isang pamilya. Sa isang patriyarkal na lipunan tulad ng Pilipinas, nakasanayan nating sila ang inaasahang tagapagtaguyod ng kaniyang sambahayan, katuwang ng mga ina. Kadalasan, hindi sila masyadong nabibigyan ng pagpapahalaga.

Kaya naman, nagdulot ng lugod at inspirasyon sa netizens ang video na ibinahagi ng “Zu–man Paniqui” kung saan makikita ang mga padalang regalo ng isang misis para sa kaniyang mister na itinuturing nilang “best daddy and husband in the world”. Ikinagulat at ikinatuwa naman ito ng nasurpresang mister. Iniabot ito ng delivery boy ng Zu–man Paniqui.

Ayon sa nagpadalang misis, masaya siya at ipinagmamalaki niya ang kaniyang mister dahil mabait, mapagmahal, maalaga, at responsable itong asawa. Hindi raw siya makapaniwalang may lalaki pang katulad ng kaniyang mister sa panahon ngayon. Itinuturing niya ang kaniyang mister na “best captain” at “best hero”.

Imahe mula sa Facebook page ng Zu–man Paniqui

Dagdag na paglalarawan ng misis, wala raw bisyo ang kaniyang mister. Ang mas nakabibilib raw sa kaniyang mister, kahit na pagod na pagod ito mula sa trabaho, tinutulungan pa rin siya nito sa mga gawaing–bahay. Inaako nito ang paglalaba, paglilinis ng bahay, pag–aalaga sa kanilang anak, pagtatanim, at paghuhugas ng pinggan.

Ito rin ay paalala umano ng misis sa ibang mga babae na hindi lahat ng mga lalaki ay manloloko at iresponsable. Sana raw ay maging inspirasyon ang kaniyang mister sa iba pang mga asawang lalaki na maging mabuting asawa sa kanilang mga misis.

Narito naman ang naging komento ng netizens:

“Gagawin ko nga rin iyan sa aking mahal na asawa para lalong sipagin sa pagtatrabaho para sa amin!”

“Iyan ang husband material. Hindi iyong matapos na mapagsawaan ang misis eh etsepwera na, aawayin at maghahanap ng ibang mas maganda, mas seksi. Nakakaproud ang mga ganiyang asawa!

I–click ang larawan at panoorin ang video na ibinahagi ng Zu–man Paniqui:

Imahe mula sa Facebook page ng Zu–man Paniqui

Loading…