Sana all! Newlyweds niregaluhan ng all expense paid honeymoon trip ng mga kaibigan

Imahe mula sa Facebook | Kathleen Dawn Barcelona
  • Tuwang-tuwa ang bagong kasal na sina Kathleen Dawn at Melvin Barcelona nang makatanggap ng roundtrip ticket at hotel accommodation mula sa mga kaibigan sa araw ng kanilang kasal
  • Ayon kay Kathleen, mahilig daw talaga silang maglakbay ng asawa noon pa man kaya laking pasasalamat nila sa mga kaibigan
  • Maraming netizens ang natuwa sa sweet gesture na iyon ng mga kaibigan

Hindi makapaniwala ang newlyweds na sina Kathleen Dawn at Melvin Barcelona sa natanggap na regalo mula sa mga kaibigan sa araw ng kanilang kasal.

Imahe mula sa Facebook | Kathleen Dawn Barcelona

Sa isang Facebook post  ibinahagi ni Kathleen ang kaligayahan sa natanggap nilang all expense paid honeymoon trip. Mahilig daw talaga silang maglakbay ng asawang si Melvin at ito ang naging “common ground nila sa 12 taon nilang relasyon. “Sobrang swerte ko sa mga kaibigan kong ito. Kahit bully sila, may sweet side din naman pala sila,” sabi niya.

Iniabot ng mga kaibigan ang malaking print out ng ticket ng flight papuntang Puerto Princesa sa Palawan. Noong una raw ay hindi pa makapaniwala si Kathleen sa magandang regalo sa kanila.

“Hindi rin nila alam kung paano nila ibibigay [‘yong] ticket nang may twist, so they decided na i-print nang sobrang laki ‘yong itinerary para sa presentation and ibigay sa mismong wedding,” sabi niya pa sa Philippine Star. “Noong una, akala ko prank lang. Makikita n’yo po sa photo chini-check ko po kung legit. Pero super happy ako sa gift nila sa amin since mahilig kaming magtravel.”

Naghati raw ang mga kaibigan niyang sina Jessica at Daniel para sa rountrip ticket habang sina Czar at Kenneth naman ang sumagot sa hotel accommodation nila.

Imahe mula sa facebook | Philippine Star

Samantala, ikinatuwa naman ito ng netizens na nagkomento sa post ng Philippine Star. “That’s friendship. And you both are lucky to have them,” sabi ni Karlos Malapitan Jr. Inulan din ng “sana all” ang comment box mula sa mga netizens na nag-tag pa ng mga kaibigan.

Best wishes, Mr. and Mrs. Barcelona!

Loading…