‘Santa Claw’: Lalaking mahilig maglaro ng claw machine, namigay ng stuffed toys

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube
  • Isang lalaking mahilig maglaro ng claw machines ang namimigay ngayong Pasko ng mga stuffed toys
  • Tatlong taon na raw na linggu-linggo kung pumunta sa mga mall si Michaelangelo Olivares upang maglaro ng claw machine
  • Naisip niya raw na ibahagi ito sa mga less fortunate sa mga paaralan at maging sa mga foundation

Ang claw machine ay isa sa mga madalas na nakikita sa mga arcade. Kadalasan ay may mga laman itong stuffed toy o plushies. Marami ang nawiwili sa paglalaro nito dahil kung papalarin, sa maliit na halaga ay makakakuha ka na ng stuffed toy o iba pang mga bagay.

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube

Nakilala ng GMA News ang isang lalaking nahilig sa paglalaro ng claw machine at nakaipon na ng daan-daang stuffed toys na ipinamimigay niya ngayong Pasko. Tatlong taon na raw ang nakalilipas nang magsimula ang interes ni Michaelangelo Olivares sa paglalaro ng claw machine.

“Almost every week, we go to the malls, we go to various arcades and then marami kaming nauuwi on a weekly basis,” kuwento ni Olivares sa GMA.

Hanggang sa sumapit daw ang Pasko at naisip niyang puwede niyang ibahagi ang mga nakuhang stuffed toys, hindi lamang sa mga kakilala kundi maging sa mga batang nangangailangan at dito na nagsimula ang kaniyang pagiging ‘Santa Claw.’

“Kapag nakakakita ako ng mga batang less fortunate, naiisip ko na ‘What if my kids were one of those?’ We can’t give money, we can’t give food always but these toys, we get them regularly so ‘yon na lang ‘yong binibigay namin sa kanila,” dagdag pa niya.

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube

Dahil sa dami ng nakukuhang stuffed toys ay nakapagdo-donate din daw sila sa mga eskuwelahan at foundation.

Tila natural naman ang suwerte ni Olivares dahil bukod sa mga pinamimigay ay nakakakuha na rin daw siya ng headphones, iPhone, at iPad mula sa mga arcade.

“Lahat ‘yon based on luck na lang. If it doesn’t work out, we move to the next. May time din lang na may na-encounter kaming machine na they give out every five minutes or 10 minutes so inoorasan lang din namin,” payo niya sa mga gustong sumubok.

Source :

YouTube

Loading…