Seguridad ng online banking, titiyakin ng BSP

Imahe mula sa Unsplash
  • Sisiguraduhin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang seguridad ng online banking transactions
  • Target daw kasi nilang mapataas ang bilang ng mga gumagamit ng online banking sa mga susunod na taon
  • Ang Philippine National P0lice naman ay hinimok ang publiko na sa halip na magdala ng cash ay card na lang ang gamitin para makaiwas sa masasamang loob

Tiniyak ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na sisiguraduhin nila ang seguridad ng mga transaksyon gamit ang online banking.

Imahe mula sa Pixabay

Sa isang interview sa ANC, sinabi ni Diokno na susuriin nila ang mga umiiral na patakaran upang matiyak na sapat ang mga ito upang manatiling ligtas ang paggamit ng online banking lalo na at target nilang mapataas ang paggamit nito sa mga susunod na taon. Maging siya raw ay ito na ang paraan na ginagamit sa pagbabayad ng bills sa halip na personal na pumunta sa mga bayaran.

“We have adopted rules so that we want to make sure that the digital payment is safe and sure. We want to make sure that it’s safe and so far it’s safe. Now that it’s embraced and it works, it’s a matter of applying it to other banks,” sabi niya.

Kamakailan lamang ay hinimok din ng Philippine National P0lice (PNP) ang publiko na sa halip na magdala ng cash sa pamimili ngayong panahon ng kapaskuhan ay credit o debit card na lang ang dalhin upang makaiwas sa mga kawatan.

Imahe mula sa Pixabay

“When using cash you would be seen always holding your money, removing your wallet [na] masyadong makapal. Usually ang nangyayari riyan is naho-h0ld up ka. Kapag cash, usually mainit sa mata,” sabi ni PNP Deputy Chief for Operations Camilo Cascolan sa isang interview sa GMA News.

Pero pinayuhan din ni Cascolan ang publiko na manatiling alerto kahit card ang gagamitin. “Ensure that you are the only one who would be able to see the password. There are banks already that send SMS messages so that you would be able to know that you really have transacted officially with your ATM card,” paalala niya.

Loading…