Sen. Bong Go itinanggi na siya ang may-ari ng motorcycle taxi company na JoyRide

  • Pangalan ni Sen. Bong Go nadawit sa kontrobersya ng mga motorcycle taxi companies
  • Pinaratangan ng ilang netizens ang senador na ito raw ang may-ari ng bagong player na JoyRide
  • Mariing itinanggi ni Senator Bong Go ang paratang

Nadawit ang pangalan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa kontrobersyang bumabalot ngayon sa mga motorcycle taxi companies na kinabibilangan ng “Angkas” at dalawang bagong players na “JoyRide” at “Move It.”

Imahe mula sa JoyRide PH

Kumalat sa social media na si Sen. Bong Go ang may-ari ng JoyRide PH.

“JoyRide is owned by one of the most problematic person in the Senate and thousands of Angkas bikers will lose their job just because of this new competitor. Doon pa rin tayo sa kapakanan natin ang iniisip at hindi sariling interes,” post ng isang Twitter user.

“Bong Go allegedly owns JoyRide and the surge of offline propaganda about this new app supports this theory. If this is true, I have nothing but disgust to people who keeps on enabling these type of activities. Nakakadiri,” sabi naman ng isang netizen.

Mariin namang itinanggi ng senador ang mga paratang.

“Hindi totoo ‘yung kumakalat sa Twitter at ibang social media outlets na ako daw ang may-ari or may interes ako sa JoyRide, isa sa mga bagong players. Fake news po ito,” pahayag ni Senator Bong Go.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Bong Go

Ayon sa senador, ito raw ang unang beses na narinig niya ang pangalang JoyRide. Binalaan niya na ang mga gumagamit ng pangalan niya o ni Pangulong Rodrigo Duterte para maaprubahan ang kanilang application sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay malalagay sa alanganin.

“Kung meron mang gumagamit ng pangalan ko or nagsasabing kaanak ni Pangulo upang isulong ang inyong pangnegosyong interes,  automatically denied kaagad ang inyong application,” babala ng senador.

Naglabas din ng opisyal na pahayag ang JoyRide PH upang itanggi na ang senador ang may-ari ng kumpanya.

Imahe mula sa JoyRide PH

Ang kontrobersya sa mga motorcycle taxi ay nagsimula nang bawasan ng LTFRB ang riders ng Angkas; mula sa dating 27,000 ay ginawang 10,000 na lang. Ito ay upang bigyang-daan umano ang pagpasok ng JoyRide at Move it sa industriya.

Ayon sa Angkas, kawawa naman ang 17,000 riders na mawawalan ng trabaho. Sinagot naman ito ng LTFRB na ang 17,000 na apektadong riders ay maaaring mamili kung saan nila gusto – sa Angkas, sa JoyRide o sa Move It.

Source :

Tribune, Politiko

Loading…