Sharon, itinanggi ang pahayag ni Pangulong Duterte tungkol sa kanilang mag-asawa

Imahe mula sa Twitter | Frankie Pangilinan

• Hindi raw totoo na pinalalayas ni Megastar Sharon Cuneta sa kanilang bahay ang asawang si Sen. Francis Pangilinan
• Bilang patunay, nag-post ang anak nilang si Frankie ng larawan ng mga magulang
• Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kaniyang speech kaugnay ng pagdiriwang ng Bonifacio Day

Pinabulaanan ni Megastar Sharon Cuneta ang pahayag ni Pangulong Duterte na pinaaalis na niya sa kanilang bahay si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan.

Imahe mula sa Instagram | Sharon Cuneta

Kuwento ni Sharon, kagagaling lamang nilang mag-asawa, kasama ang mga anak at sina Zsa Zsa Padila at Conrad Onglao sa kanilang farm nang i-send sa kaniya ng anak na si Frankie ang pahayag ni Duterte nang mag-speech siya kaugnay ng ika-156 birth anniversary ni Andres Bonifacio.

Sabi ni Duterte, “Pinapaalis na nga ng asawa niya (Kiko) sa bahay niya, ayaw kay wala ibang matirahan. Totoo. Tanungin mo. At kung sabihin mo nagsisinungaling ako, I will resign. Ang sinasabi ko totoo ‘yan.”

Hindi naman makapaniwala si Sharon na sasabihin iyon ng kaniyang “Tatay” na huli raw niyang nakasama noong kampanya ng kaniyang kapatid sa pagka-Mayor nitong midterm elections. Pero paglilinaw niya, maayos ang lahat sa kanilang mag-asawa.

“Tatay likes to joke sometimes, as you all know, because Kiko’s in the Opposition. He has joked a few times against Kiko and about me in the past! Please rest assured that all is fine with my family. My stress comes from other people and things, but right now my family and marriage have never been happier,” sabi ni Sharon sa isang Instagram post.

Imahe mula sa Instagram | Sharon Cuneta

Samantala, ang anak naman nina Kiko at Sharon na si Frankie na kasalukuyang nasa New York para mag-aral ay nag-post ng larawan ng kaniyang ama at ina. Una na niyang ibinahagi ang tweet na naglalaman ng pahayag ni Duterte at nilagyan ng caption na “hala buti pa siya alam.”

“Imagine making yourself dinner in your tiny apartment and tucking yourself into bed with a warm blanket only to get a notification informing you your parents are arguing daw. it’s not either of your parents, it’s not your sister, not the dog, it’s Rodi,” dagdag pa ni Frankie.

Loading…