Singapore tinambakan ng Gilas Pilipinas sa 5-on-5 basketball competition sa SEA Games

  • Tinambakan ng Gilas Pilipinas ang Singapore ng 52 points sa SEA Games 5-on-5 basketball competition
  • Sa kabila ng mahusay na laro laban sa Singapore, sinabi ni coach Tim Cone na hindi nailabas ng Gilas ang pinakamagandang laro nito
  • Susunod na makakalaban ng Gilas ang Vietnam

Dinurog ng Gilas Pilipinas ang koponan ng Singapore sa kanilang laban sa 5-on-5 basketball competition ng 30th Southeast Asian (SEA) Games noong Martes, ika-3 ng Disyembre, sa Mall of Asia Arena.

Screenshot mula sa ESPN5 video

Sa unang dalawang minuto ng first quarter ay nagmintis ng isang 3-pointer at dalawang free throws ang koponan ng Pilipinas, subalit matapos niyon ay sunud-sunod na ang naibuslong bola para tambakan ng 52 points ang kalaban at maipanalo ang una nilang laro sa SEA Games sa score na 110-58.

Pinangunahan ni Stanley Pringl;e at Matthew Wright ang pagsalakay sa Singapore. Sa first quarter pa lang ay umiskor si Pringle ng 11 pioints at gumawa naman si Wright ng tatlong 3-pointers.

Sa second half ay ipinagpatuloy naman nina Jun Mar Fajardo, Troy Rosario at Vic Manuel ag pagdurog sa kalaban.

Sa mga players ng Gilas Pilipinas, tanging si Chris Ross lang ang hindi nakapagtala ng score, pero napakalaking bagay para sa koponan ang ginawa niyang 10 assists, 5 rebounds, 1 steal at 1 block sa 20 minutes na paglalaro.

Bagaman at mahusay ang ipinakita ng Gilas Pilipinas sa unang laban, sinabi ng national head coach na si Tim Cone na hindi nailabas ng koponan ang pinakamaganda nitong laro.

Screenshot mula sa ESPN5 video

“It’s fun coaching such a powerhouse team. But I don’t think we played our best basketball tonight,” sabi ni Cone sa mga reporters pagkatapos ng laro.

Naniniwala naman si Tim Cone na mas gagaling pa ang Gilas habang umuusad ang kumpetisyon.

“I think honestly, I believe we’ll get better and better as the games go along. We’ll get more comfortable with each other. The more time we get together, the more games we play, I think we’ll become a better team. And we’ll be more coordinated in what we do, we’ll be more coordinated defensively,” aniya.

Sa Biyernes, ika-6 ng Disyembre, ay makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Vietnam, na ayon kay Tim Cone ay higit na mas mahirap na kalaban kumpara sa Singapore.

Screenshot mula sa ESPN5 video
Source :

Inquirer, ABS-CBN

Loading…