Sino nga ba ang “billiard legend” na si Francisco “Django” Bustamante?

  • Naispatang nanonood sa 9-ball doubles matches sa Manila Hotel tent si Francisco “Django” Bustamante
  • Itinuturing siyang isa sa mga billiard legends sa Pilipinas
  • Isa siya sa mga coaches ng billiard team ng Pilipinas para sa SEA Games

Napagsama–sama ng 30th Southeast Asian o SEA Games ang mga itinuturing na “alamat” o dalubhasa sa kasaysayan ng Philippine Sports, mula noon hanggang ngayon. Nakapagdudulot ng ngiti at ibayong inspirasyon ang mga legendary athletes na ito na nakatulong upang mailagay sa mapa ng mundo ang Pilipinas sa larangan ng sports. Isa na riyan ang isa sa mga itinuturing na billiard legends na si Francisco “Django” Bustamante

Imahe mula sa Facebook page ng SEA Games

Sa kasagsagan ng larong billiard para sa 9-ball doubles matches sa Manila Hotel tent, isa sa mga naispatan si Bustamante na noon ay nanonood sa gilid at nakuhanan ng larawan, batay sa Facebook post ng opisyal na Facebook page ng “2019 SEA Games”. Isa pala siya sa mga coaches ng billiard team ng Pilipinas.

“Filipino billiard great Francisco ‘Django’ Bustamante watching from the sidelines in the ongoing 9-ball doubles matches at the Manila Hotel tent. Bustamante is one of the coaches of the Philippine billiards team.”

Marami naman sa mga tagahanga at nakakikilala sa mahusay na billiard legend ang natuwa dahil muli nilang nasilayan si Django.

“He is legendary! Legend na nakakatakot kalaban hahaha nang–uubos ng bola, lakas ding sumargo.”

“Yes, another living legend pool artist of the Philippines. One of the best Pinoy athletes! Wait, so iko–coach niya ang ‘The Magician’ na si Efren Bata Reyes?”

 “Boss kalbo na tayo ah, pero boss good luck, kunin ang gintong medalya!”

Public Domain Image

Sino nga ba si Django Bustamante?

Si Francisico Bustamante ay tubong Tarlac City at kilala bilang kampeon sa World Nine–Ball competition kaugnay ng billiard. Hawak niya ang world record para sa “most powerful break shot”. Nakuha niya ang pangalang “Django” mula sa isang pelikula. Hindi na mabilang sa daliri ang kaniyang mga panalo mula 1993 hanggang 2018, kabilang ang “WPA World Nine–Ball Championship” noong 2010 at “World Cup of Pool” kasama ang “The Magician” na si Efren ‘Bata’ Reyes.

Source :

Facebook

Loading…