‘Sleep na kami’: Signboard ng bus, kinaaliwan ng netizens

Imahe mula sa Facebook | Dianalyn Uri Kim
  • Normal na ang dagsa ng mga pasahero sa bus terminal tuwing sasapit ang Pasko
  • Naaliw ang netizens sa signboard ng isang bus na nagsasabing ‘Sleep na kami’
  • Ibinahagi ito sa Facebook ng isang netizen at ngayon ay may mahigit 24k reactions at 23k shares na

Madalas na sinasamantala ng mga Pilipino ang mahabang break mula sa trabaho o paaralan tuwing sasapit ang Pasko at Bagong Taon upang umuwi sa kanilang probinsya. Ito ay para makasama ang kanilang mga mahal sa buhay at makabawi sa mga araw na ginugol nila malayo sa mga iyun upang mag-aral o magtrabaho sa Maynila.

Dahil dito, madalas na puno ng mga pasahero ang mga bus station sa lahat ng sulok ng Maynila kapag ganitong panahon kaya doble kayod ang mga drayber at kundoktor upang maihatid nang ligtas ang mga pasahero sa kanilang mga mahal sa buhay. Pero siyempre, napapagod din sila at nangangailangang magpahinga.

Imahe mula sa Facebook | Dianalyn Uri Kim

Sa Facebook, ibinahagi ng netizen na si Dianalyn Uri Kim ang signboard na ipinaskil ng isang First North Luzon Transit bus na nagsasabing “Sleep na kami,” na may kasama pang smiley sa dulo. Saad nito sa caption, “Good night po. Ingat po.”

Pumatok naman ito sa netizens kaya’t ngayon ay may 24k reactions at 23k shares na ito. Hindi naiwasang magbiro ng mga nagkomento.

Sabi ni C. Rubite sa comment niya sa pahinang Tee Radio na nag-share ng post ni Kim, “Wag, sir. Parada niyo muna ‘yan.” Hirit naman ni S. Golim, “Kaya pala walang masakyan eh.”

Imahe mula sa Facebook | Dianalyn Uri Kim

Marami ring Facebook users ang tila nainggit dahil makakatulog na ang driver at kundoktor. Sabi ni Farrah, “Buti pa sila natutulog.” Si B. Embudo naman, sumang-ayon at sinabing “Sana all nakaka-sleep well.”

May ilan namang magkasintahan na tila nakakatulugan ng kanilang mga kapareha kaya nagkomento sila at sinabing “Sana all nag-uupdate.” Dagdag ni M. Tijamo, “Buti pa ‘yong bus, nagsasabi kapag matutulog na.”

Nawa’y nakatulog nang mahimbing ang kundoktor at lalo na ang driver upang sa mga susunod na biyahe ay hindi sila aantok antok para masigurado ang kanilang kaligtasan at ng mga pasahero.

Loading…