SMC, desididong ituloy ang mungkahing magtayo ng elevated expressway sa ibabaw ng EDSA

  • Proposed elevated expressway sa ibabaw ng EDSA, desididong ituloy ng SMC
  • Isinumite na ng SMC sa DOTr ang unsolicited proposal at ang mga requirements
  • Kayang tapusin ang steel elevated expressway sa loob lang ng dalawang taon

Desidido ang San Miguel Corporation (SMC) na ituloy ang mungkahi nitong magtayo ng elevated expressway sa ibabaw ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) matapos nitong isumite sa Department of Transportation (DOTr) ang proposal

Imahe mula sa UNTV

Sa isang pahayag, sinabi ng SMC na pormal na nitong isinumite sa DOTr ang unsolicited proposal at ang mga requirements para ituloy ang plano nitong magtayo ng 10-lane expressway sa ibabaw ng EDSA.

“Nagsubmit po tayo ng lahat ng requirement sa DOTr, kay Sec. Tugade. I hope makumbinse natin syang bilisan ‘yung kanilang processing,” ani Ramon Ang, ang President and Chief Operating Officer ng SMC.

Ang plano ay nauna nang ibinulgar ni Ramon Ang noon pang buwan ng Setyembre. Aniya, ang planong elevated expressway ay babagtas mula sa Macapagal Avenue sa Pasay City hanggang sa Balintawak sa Quezon City.

Kung agad na maa-aprubahan, ang konstruksyon nito ay maaaring masimulan sa kalagitnaan ng taong 2020 at matatapos sa loob ng dalawang taon hanggang tatlong taon. Makatutulong ng malaki ang planong elevated expressway upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa EDSA.

Imahe mula sa SMC

Kung magagawa natin yun, so we start building it let’s say middle of 2020, matatapos natin yan mga two years after. So, kumbinsihin natin sya na bilisan ‘yung assessment,” ani Ang.

Ang proposed elevated expressway ay yari sa bakal kaya mas madaling itayo. Halos katulad ito ng mga elevated steel highway sa Japan at Europe.

Bukod sa proposed elevated expressway sa EDSA, kasalukuyang itinatayo ng SMC ang Skyway Stage 3 – isang 18.68-kilometer toll road mula sa Buendia, Makati City hanggang sa Balintawak, Quezon City. Nakatakda itong matapos sa unang bahagi ng taong 2020.

Imahe mula sa SMC

Loading…