Speaker Cayetano nagbigay ng P150k bonus sa mga kawani ng Kamara, ilang empleyado dismayado pa rin

  • Namahagi ng P150,000 Speaker’s bonus sa mga kawani ng Kamara si House Speaker Alan Peter Cayetano
  • Ilang kawani ang nadismaya dahil P112,000 lang ang neto ng natanggap na bonus matapos ibawas ang P38,000 withholding tax
  • Mas marami naman ang nagpahayag ng pasasalamat sa malaking halaga na natanggap nila

Nagmistulang Santa Claus si House Speaker Alan Peter Cayetano matapos ibigay ng kanyang opisina ang P150,000 “Speaker’s bonus” sa mga empleyado ng House of Representatives isang araw bago mag-holiday break ang Kamara.

Imahe mula sa eCompareMo

Sa kabila ng napakalaking halaga ng natanggap na bonus, may ilan pa ring empleyado ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya dahil sa laki ng ibinawas na withholding tax na umabot sa P38,000.

Lumalabas na P112,000 ang neto ng bonus na natanggap ng  mga empleyado matapos ibawas ang buwis. Mas mataas pa rin naman ito ng dalawanlibong piso kumpara sa natanggap nila noong nakaraang taon mula sa dating pangulo ng bansa na nagsilbing House Speaker na si Ginang Gloria Macapagal-Arroyo.

“Yes, it was supposed to be P150,000, but they deducted the tax. The net amount is P112,000,” anang isang empleyado na tumanggap ng bonus.

“What will they do with the tax deductions? We hope that does not land in some people’s pockets,” sambit naman ng isang dismayadong empleyado.

Mas marami naman umano ang lubos na nasiyahan at nagpasalamat sa natanggap nilang Speaker’s bonus kabilang na ang isa na nagsabing: “I’m grateful din kasi malaking tulong sa family. ’Di ako kasali sa supposed ‘disgruntled’ employees kasi super thankful kami sa natatanggap namin.”

Speaker Cayetano/Imahe mula sa Press Reader

Isang House of Representatives insider ang nagsiwalat na sadyang nilakihan ni House Speaker Cayetano ang bonus ngayong taon upang maging mas malaki ang take home bonus ng mga empleyado kumpara sa natanggap nila noong 2018 pagkatapos ibawas ang withholding tax.

Ang pagbibigay ng House Speaker ng Christmas bonus sa mga kawani ng Kamara ay hindi na bago. Noong panahon nina Feliciano Belmonte Jr. at Pantaleon Alvarez bilang House Speaker ay P80,000 ang bonus na ipinamahagi nila.

Itinaas ni Ginang Arroyo ang Speaker’s bonus sa P110,000 noong nakaraang taon.

Source :

Inquirer, Abante

Loading…