Swimming pool sa GenSan, nagmistulang dagat dahil sa pagyanig sa Mindanao

  • Niyanig ang Davao del Sur ng 6.9 magnitude na pagyanig noong Linggo
  • Tila dagat ang isang swimming pool sa isang hotel sa General Santos City dahil sa lakas nito
  • Naihalintulad ito sa isang tsunami o malalaking alon sa dagat

Nagmistulang dagat ang isang swimming pool sa isang hotel sa General Santos City  habang nangyayari ang pagyanig sa Davao del Sur noong Linggo, Disyembre 15, 2019.

Batay sa Twitter post ni Karla Besoña, (@kalangtots) nakuhanan niya ng video ang tila malalakas na hampas ng alon sa swimming pool sa isang hotel sa Barangay Dadiangas Heights, General Santos City. Muling niyanig ang Davao del Sur ng lind0l na may 6.9 magnitude.

Imahe mula sa Twitter account ni Karla Besoña (@kalangtots)

Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizen.

“Prayers up to all our kababayan in Mindanao.”

“Nakakatakot. This is so scary. Keep safe sa mga taga–Davao at sa buong Pilipinas!

“Perfect example of how tsunamis are triggered during quakes. Imagine this pool is the Pacific Ocean. Anyways, I hope there was no one swimming when it happened.”

“It reminds me exactly of swimming in the Canyon Ranch spa pool on the QM2 enroute to NYC in stormy waters. I just went with the flow, got the whole place to myself as all the other non fishies were off puking their lunch up… Stay safe you all.”

Ilang beses na ring nakaranas ng pagyanig ang Mindanao ngayong 2019, subalit itinuturing ng marami na ito ang pinakamalakas sapagkat maraming mga establisimyento at gusali ang tuluyang nawasak pagkatapos nito.

Samantala, maihahalintulad naman ang nangyari sa swimming pool sa isang tsunami, o pagngangalit ng napakalalaking alon sa karagatan dahil sa nagaganap na pagyanig sa lupa.

Maaaring masalanta ang isang bayan kapag nangyari ang tsunami, lalo na ang mga pamayanang malapit sa mga baybayin ng dagat.

Samantala, wala namang naiulat na nasaktan sa mga bakasyunistang nanunuluyan sa naturang hotel, o mga naliligo sa naturang swimming pool nang mangyari ang pagyanig. Maging ang video uploader ay nasa mabuting kalagayan naman. I–click ang larawan sa ibaba upang mapanood ang buong video.

Imahe mula sa Twitter account ni Karla Besoña (@kalangtots)

Loading…