Team Kramer, tinupad ang wish ng kasambahay nilang mapagawa ang bahay nito sa probinsya

  • Tinupad ng Team Kramer ang matagal nang kahiligan ng kanilang kasambahay
  • Ipinagawa nila ang bahay ng kanilang Yaya Joy upang mas maging matibay
  • Deserve naman daw ng kasambahay ang surpresa dahil mabait at matapat ito

Kamakailan ay nag-trending sa social media ang napakagandang bahay ng pamilya nina Doug at Cheska Kramer o mas kilala bilang Team Kramer. Sa sobrang lawak nito ay may sariling classroom ang mga anak nilang sina Kendra, Scarlet, at Gavin. Mayroong malawak na play area sa loob at mayroon ding sariling mini-theater.

Ngunit hindi lamang ang dream house ng Team Kramer ang ipinagawa nila. Isang napakagandang pamasko ang ibinigay nila sa kanilang kasambahay na si Yaya Joy. Ipinagawa kasi nila ang sira-sirang bahay nito sa probinsya kung saan nakatira ang anak at nanay niya.

I-click ang larawan upang mapanood ang video ng Team Kramer

Sa isang vlog ng Team Kramer kung saan nakalaan ang episode sa pagtupad ng kahilingan ng ilan nilang kakilala, kabilang si Yaya Joy, sinurpresa ng tatlong anak nina Doug at Cheska ang kanilang pinakamamahal na kasambahay.

Nagkungwari ang tatlo na tinatawag lamang nila si Yaya Joy pero ang totoo ay may iaabot silang sulat dito. Nang mabasa ni Yaya ang sulat kung saan nakasaad na ipagagawa nila, katuwang ang Netflix Philippines, ang kanilang lumang bahay sa probinsya.

Hindi napigilan ng kasambahay na mapaiyak sa surpresa nina Kendra, Scarlet, at Gavin. Lalong naging emosyonal si Yaya Joy nang ipalabas ang interview ng Team Kramer sa nanay ni Yaya Joy. Dito ay ipinakita ni Josefina, nanay ni Joy, ang kanilang sirang bubong at mga haligi ng kanilang tahanan sa loob ng 20 taon.

Laking tuwa nina Yaya Joy at Nanay Josefina nang ianunsiyo ng Team Kramer at Netflix na ipagagawa ang kanilang bahay na inumpisahan din agad. Napanood ni Joy ang bago nilang tahanan sa video na lalong nagpaluha sa kasambahay. Ngayon daw ay mapapanatag na ang kanyang loob dahil mas ligtas at mas matibay na ang kanilang bahay sa probinsya.

Larawan mula sa YouTube video ng Team Kramer

Kuwento nina Cheska at Doug sa interview sa vlog, nasa apat na taon na raw na naninilbihan sa kanila si Yaya Joy at simula noon ay nag-iipon na talaga ito sa pagpapagawa ng kanilang bahay. Deserve daw ng kasambahay ang regalo nila dahil napakabuti raw nito sa mga bata.

Masaya rin ang mga bata na nakatulong sila sa kanilang Yaya Joy. Mahal na mahal daw nila ang kanilang yaya kaya naman masaya silang makita ito na natupad ang matagal na niyang pangarap na mas maayos na bahay para sa kanyang pamilya sa probinsya.

Panoorin!

Loading…