Tuklasin ang bagong pasyalan sa Batangas na kumpleto sa tour packages – sky tour, land tour at lake cruises

  • Kumpletong-saya, alok ng nag-iisang 4-star hotel sa Batangas at ng Batangas Provincial Tourism Office
  • Ang “Batangas Lakelands” ay may alok na complete tour packages na tiyak na kagigiliwan ng mga turista
  • Kabilang sa tour packages ang helicopter tour, land tour at lake cruises

Isang bagong pasyalan sa Batangas ang siguradong magbibigay ng lubos na kasiyahan sa mga turistang bibisita dahil kumpleto ang iniaalok nilang tour package – mapa-lupa, tubig o himpapawid man ay maaari mong libutin ang magagandang tanawin sa lugar.

Imahe mula sa Batangas Lakelands

Inilunsad ng nag-iisang 4-star hotel sa Batangas – ang Lima Park Hotel – at ng Batangas Provincial Tourism Office ang “Batangas Lakelands” na may alok na complete tour packages na tiyak na kagigiliwan ng mga turista. Kabilang sa mga packages ang helicopter tour, land tour at lake cruises.

Mula sa hotel ay maaaring ma-enjoy ang 15-minute Sky Adventure tour package sakay ng Bell Helicopter upang mamasdan mula sa himpapawid ang ganda ng Marian Orchard Pilgrimage Site at ang kalmadong tubig ng Taal Lake na nakare-relax sa paningin.

Ang climax ng Sky Adventure ay ang paglipad ng helicopter sa ibabaw ng crater ng Taal Volcano.

Sa land tour package, sasakay ang mga turista sa napakagandang Amore Bus na magtutungo sa Marian Orchard Pilgrimage Site na punung-puno ng mga bulaklak at mga religious monuments na napakaganda ng pagkakalilok.

Maaaring pasyalan sa Marian Orchard Pilgrimage Site ang Sacred Heart Chapel and Tower, Two Hearts Promenade, Dome of Mary Mediatrix, Rosarium at ang Chimes of Mary.

Imahe mula sa Batangas Lakelands

Mula sa pilgrimage site ay magtutungo ang Amore Bus sa Amore Point, isang pantalan kung saan nakadaong ang dalawang yatch para sa mga nais maranasan ang Lake Cruise. May dalawang paraan para ma-enjoy ang lake cruise – ang Morning Cruise at ang Sunset Cruise.

Imahe mula sa Batangas Lakelands

Ang bahagi ng kikitain ng mga tour packages ng Batangas Lakelands ay gugugulin sa pagpapalago ng ASEAN Unity Park sa Balete, isang botanical park na tatamnan ng mga sari-saring halaman ng Southeast Asia.

Imahe mula sa Batangas Lakelands
Source :

Batangas Lakelands, ABS-CBN

Loading…