Tulay na magdurugtong sa Cebu City at Isla ng Mactan, halos patapos na

  • Matatapos na ang Cebu-Cordova Link Expressway na magkokonekta sa Cebu City at Mactan Island
  • Nagsimula itong gawin noong Agosto 2018 at inaasahang mabubuo nang tuluyan sa Agosto 2021
  • Sabik na ang mga Cebuano na magamit ang naturang tulay

Malapit nang matapos ang konstruksyon ng Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) na magdurugtong sa Cebu City at Cordova Municipality sa isla ng Mactan.

Kinumpirma ito ng pangulo at general manager ng Cebu-Cordova Expressway Corporation na si Allan Alfon. Aniya, 47.32 bahagdan na ang nabubuo ngayong Disyembre 2019 matapos simulan ang proyekto noong Agosto 2018.

Public Domain Image

Ang 8.5-kilometer expressway ay nakatakdang magbukas sa Agosto 7, 2021. “Generally we are on track with the target completion date,” sabi ni Alfon sa isang press conference.

Sa kasalukuyan, ang dalawang pangunahing estruktura para sa dalawang tulay na nagdurugtong sa South Road Properties (SRP) viaduct patungong Shell Island ay halos matatapos na, dahil naikabit na ang deck ng tulay, upper pylons, at mga kable.

Ayon naman sa project manager na si Robert Uthwatt, itinayo ang tulay na may iconic design na magiging unique architectural symbol ng Cebu. Magiging highlight ng tulay ang isang steel cross na nasa ibabaw ng 145-meter pylons na makikita ng sinumang nakasakay sa sasakyang panlupa, pandagat, at panghimpapawid.

Dagdag pa niya: “There will be no disrupti0n of sea vessels passing through the channel.”

P30 bilyon ang budget para sa naturang proyekto. Inaasahang malulunasan nito ang traffic congestion sa Una at Ikalawang Tulay ng Mandaue-Mactan. Inaasahan ding makatutulong ang naturang tulay sa pagpapalakas ng ekonomiya ng Cebu. Nakatulong din ito sa 1,906 mga lokal na empleyado ng CCLEX.

Umani naman ito ng magagandang komento mula sa mga netizens.

“November 2018, I was an OJT on the ongoing construction of Horizon 101, the tallest building right now in Cebu. Since we have an ongoing project on the roof deck of the building, I can see that the construction of the bridge is not yet halfway finished, no bridge foundation constructed yet. I was in total shock when they said it was halfway done already. It is indeed very fast,” sabi ng isang netizen. Dagdag naman ng isa, “Suwerte naman ng mga Cebuano! Buti naman. Good job!”

Public Domain Image

Nawa ay matapos na ito upang makatulong sa mga Cebuano.

Loading…