Uhaw ay mapapatid! Natatandaan mo ba ang makalumang baunan ng tubig?

  • Nabuksan ang interes at kuryosidad ng mga netizen sa larawan ng lumang baunan ng tubig na ibinahagi sa isang Facebook page
  • Canteen pala ang tawag dito ng karamihan o military water bottle
  • Ito ay dinisenyo para sa mga hikers, campers, mga sundalo, at mga trabahador na nakabilad sa arawan

Sa init ng panahon ngayon, iminumungkahi sa publiko ang pagbabaon ng tubig upang manatiling hydrated at hindi mauhaw sa gitna ng trapiko, habang naglalakad patungo sa trabaho, nagtitinda, namamasyal, at sa iba pang mga gawain. Anuman ang laki o haba ng mga baunan, ang mahalaga’y may dala–dalang tubig kung sakaling mauhaw.

Isang netizen na nagngangalang Nong Kim ang nagbahagi ng isang makalumang baunan ng tubig sa Facebook page na Memories of Old Manila.

Ayon sa kaniyang Facebook post, “Nakita ko lang ‘to at ginagamit hanggang ngayon. My father owns this and he’s a former police. This is military water bottle or in short lagayan ng tubig. Kaway–kaway sa mga mayroon nito sa bahay nila.”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Natuwa naman ang mga netizen sa mga larawan na kanilang nakita. Nanumbalik sa kanilang alaala ang mga panahong nakikita nilang ginagamit ito ng kanilang mga magulang, o mga lolo’t lola.

Kuwento ng isa, “Ako, mayroon pa, ginamit ko noong Boy Scout ako during my elementary and high school days in the mid 60’s.”

“Canteen ang tawag namin diyan noon. Masarap uminom dahil malamig ang tubig na nanggagaling diyan,” salaysay naman ng isa.

Pagbabahagi naman ng isang netizen na tila naging boy scout din, “Noong boy scout ako, ganyan ang gamit ko sa camping at trail trekking may kasama sa ilalim iyan para initan ng tubig para sure na safe ang tubig.”

Ang military water bottle o canteen ay drinking water bottle na dinisenyo para sa mga hikers, campers, mga sundalo, at mga trabahador na nakabilad sa arawan. Ito ay may nakakabit na shoulder strap na nababalutan ng cloth bag at padding upang maproteksyunan ang bote at ang laman nito.

Kapag ang padding ay itinubog sa tubig, ang evaporative cooling ay nakatutulong upang mapalamig ang laman nitong inumin sa loob. Ito rin ay may nested canteen cup na maaaring gamitin sa pag–inom. Gawa ito sa bakal,  tin-plated steel, stainless steel o aluminum.

Public Domain Image

Loading…