Vendor ng samalamig na na-videohan na sumasalok ng tubig sa manhole, hinahanap na

  • Lalaki na-videohan na sumasalok ng tubig sa isang manhole sa Baclaran
  • Ginamit umano ng lalaki ang tubig sa itinitindang samalamig
  • Pinaghahahanap ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang lalaki

Pinaghahahanap na ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City ang lalaki na na-videohan na sumasalok ng tubig na ginagamit umano sa itinitindang samalamig sa isang manhole sa bahagi ng siyudad na malapit lang sa Baclaran Church.

Screenshot mula sa video ng GMA

Ayon kay Mar Jimenez, ang hepe ng Paranaque City public information office , hindi pa nila natatagpuan ang lalaking vendor. “Hindi siya ma-locate. Pinagtanong-tanong na namin ‘yung vendor na ‘yun,” ani Jimenez.

Una nang kumalat sa social media ang video ng lalaki na sumasalok ng tubig sa manhole na inilalagay niya sa isang garapon na pangkaraniwang ginagamit para sa mga samalamig.

Ayon sa uploader ng naturang video, ginamit daw ng vendor ang sinalok na tubig sa manhole sa tinda nitong samalamig.

“San kaya galing ‘yung tubig ng palamig mo? Juskooo Lord..tumigil talaga mundo ko. ‘Yung palamig na iniinom mo sa tabi tabi..’di sa ng oover-react ako.. Hellooo!! kahit sabihin pang hugas yan.. jusko!!!” sabi sa post ng uploader ng video.

“P.S di ko sinisiraan mga side vendor. Uminom kayo ng palamig sa tabi tabi.. take it at your own risk,” dagdag pa niya.

Samantala, sinabi ni Jimenez na hindi nila mapatutunayan kung ginamit nga sa samalamig ang tubig na inigib ng vendor mula sa manhole.

Screenshot mula sa video ni Saycil Trazona

Nanawagan siya sa sinumang nakakakilala sa vendor na i-report sa kanila ang kinaroroonan nito.

“Kung merong magwi-witness kung tiga area ang vendor na ‘yan, meron s’yang responsibility. Kasi selling of contaminated water source ay hazardous sa public. Meron siyang pananagutan niyan, haharap siya sa local ordinance, sa sanitation code,” ani Jimenez.

Loading…