Vic Sotto, sinagot ang tanong kung posible ba silang magsama ni Vice Ganda sa isang pelikula

  • Dalawa sa mga artistang pinakainaabangan ang mga pelikula tuwing panahon ng Metro Manila Film Festival ay sina Vic Sotto at Vice Ganda
  • Laging magkalaban sa takilya ang mga pelikula ng dalawang komedyante tuwing Disyembre 25 hanggang Enero 7
  • Sa mga susunod na taon, posible nga bang magkasama ang dalawang bigating komedyante sa iisang pelikula?

Bukod sa Pasko, isa pa sa mga inaabangan ng mga Pilipino tuwing Disyembre 25 ay ang mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Para sa 2019, ang pelikula ni Vic Sotto na Mission Unstapabol: The Don Identity at ni Vice Ganda na M&M: The Mall, The Merrier ay kabilang sa mga inaasahang papatok sa takilya.

Imahe mula sa APT Entertainment, Inc. Facebook page

Subok na kasi ng panahon ang mga pelikula ng dalawang komedyante na patuloy pa ring humahataw sa kani-kanilang noon time show sa telebisyon. Dahil na rin sa dami ng kanilang mga fans at followers ay laging kabilang ang kanilang mga pelikula sa listahan ng “highest-grossing films.”

Ang tanong: May posibilidad kayang magsama sa iisang pelikula sina Vic Sotto at Vice Ganda?

“Bakit hindi? Wala namang imposible,” tugon ni Sotto sa isang panayam.

Para kay Sotto, mas naniniwala siya na kaibigan niya ang lahat ng nasa showbiz industry kahit magkalaban sa TV rating ang Eat Bulaga at ang It’s Showtime kung saan isa sa mga pangunahing host si Vice.

“Ako naman, I would like to believe na kaibigan ko lahat. Wala akong kaaway. Ayokong may kaaway. Siguro kasabay sa pelikula pero it’s not necessary na kaaway ko na ‘yun,” paliwanag pa ni Sotto.

Imahe mula The Mall The Merrier Official Facebook page

Nang tanungin naman kung kailan posibleng magkatotoo ang pagsasama ng dalawang komedyante sa isang proyekto ay hindi ito tuwirang sinagot ni Sotto ngunit may pahiwatig ito na magiging positibo ang anumang kanilang mapag-usapan.

“I don’t know. We will cross the bridge when we get there. Open ako sa lahat, basta sa ikagaganda ng takbo ng pelikulang Pilipino ay open ako,” paliwanag pa ni Sotto.

Source :

ABS-CBN, Abante

Loading…