Vocalist ng Hotdog, umalma hinggil sa pagbatikos ng netizen sa pagkakapili ng kanilang kantang “Manila” sa opening ceremony ng SEA games

  • Umalma ang lead vocalist ng Hotdog na si Dennis Garcia sa mga puna hinggil sa pagkakapili sa kanilang hit song na “Manila” sa opening ceremony ng SEA Games
  • Nagmula ito sa pamumuna ni Davao City Mayor Sara Duterte–Carpio sa kaniyang Instagram account
  • Nagbigay naman ng reaksyon dito ang netizens

Nagbigay ng reaksyon ang founding member ng OPM band na “Hotdog” na si Dennis Garcia sa ilang pumupuna sa pagkakapili ng hit song nilang “Manila” sa parada ng mga atleta at delegadong Pilipino sa pormal na pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games o SEA Games sa Philippine Arena nitong Sabado, Nobyembre 30, 2019.

Public Domain Image

Ayon sa panayam kay Dennis Garcia ng “Interaksyon” ng TV5, nang ginawa nila ang kantang iyon ay hindi nila inisip ang rehiyunalismo. Nasa isip nila ang buong Pilipinas, lalo na’t ito ay para sa mga Overseas Filipino Workers o OFW.

“Rene and I created ‘Manila’, not thinking ourselves as Tagalogs, Bisayans, or Ilokanos but as Filipinos missing the Philippines,” ani Dennis.  Si Rene Garcia ay kaniyang kapatid na nasa piling na ng Panginoon.

Nag–ugat ito sa pamumuna ni Presidential daughter at Mayor ng Davao City na si Sara Duterte–Carpio hinggil sa pagkakagamit sa naturang kanta sa opening ceremony ng SEA Games. Makikita ito sa kaniyang Instagram post noong Linggo, Disyembre 1, 2019.

“Di po ba Philippine flag ang dala? Why would you play the song Manila? Did Lapu-Lapu die for Manila? Huwag po natin gawing excuse ang upbeat danceable song. Kami nag-imbento ng budots. Kaloko man oi.”

Tumugon naman dito ang ilang netizens.

“Ang ganda kaya ng kantang Manila halos lahat kumakanta at nakarelate. Ano po ba ang gusto ninyo, Mam Sara?”

Public Domain Image

“Welcome song.. and Manila is known as the capital of the Philippines. Happy to hear that song again. Play it more…  I love the song. Manila is for Filipinos. Ang lyrics tumatagos lalo na kung OFW ka.”

“Salamat sa inyo ni Rene, sa awiting pumupukaw sa aking pagka-Pilipino. I agree with sa lyrics ng Manila. It’s about person being away from the country missing his home. But there is no way also it means winning competition, to win as one or sportsmanship in which it is the theme of the occasion.”

Ikaw, ano ang masasabi mo hinggil dito?

Loading…