Wacky pose ng isang lola sa picture-taking ng kanilang pamilya, kinaaliwan ng netizens

  • Nagdulot ng kakaibang saya ang picture-taking ng isang pamilya sa araw ng kapaskuhan
  • Marami ang naaliw sa mga wacky pose na ipinakita ng kanilang lola sa video at mga larawan
  • Agad itong nagviral kung saan umani ang post ng 26,000 reactions at 18,000 shares dalawang araw matapos itong ibahagi sa social media

Kadalasang nagtitipon-tipon ang bawat miyembro ng pamilya upang ipagdiwang ang araw ng kapaskuhan. Sa ganitong paraan kasi mas nadarama ang tunay na diwa ng pasko na higit pa sa mga mamahaling regalo; ang pagpapakita ng pagmamahal sa pamilya sa pamamagitan ng paglalaan ng oras para sa kanila.

Imahe mula sa Facebook video ni Chaleng Galang

Sa Facebook, viral ngayon ang nakaaaliw na mga wacky pose ng isang lola kasama ang kaniyang pamilya sa mismong araw ng kapaskuhan.

Ibinahagi ng netizen na nagngangalang Chaleng Galang ang video ng pagsasalo-salo nilang magkakamag-anak upang ipagdiwang ang araw ng pasko.

Tulad rin ng nakasanayan ng karamihan, nagpicture-taking muna sila bago pa umpisahang lantakan ang mga pagkain sa handaan. Sa umpisa ng video ay kapansin-pansing seryoso at nagmamadaling makuhanan ng litrato ang kaniyang lola kasama ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya.

Marami naman ang nagsimulang maaliw sa matanda nang mag-click na ang camera. Nagawa kasi nitong magpamalas ng kaniyang mga nakakaaliw na wacky pose gaya ng peace sign at pagdila na talaga namang kinatuwaan ng maraming netizens.

“Nakaka-good vibes naman si lola. Stay in good health. God bless po sa inyo lola,” ani JPYR.

“Sino gumawa din nung dila-dila ni nanay pagkatapos panoorrin ‘to?” tanong ni RVP.

“Kulit ni lola. Hahaha,” komento naman ni FLD matapos mapanood ang video ng matanda.

I-click ang imahe para mapanood ang video

Kinumpirma naman ni Chaleng na natural ang pagiging masayahin ng kanilang lola. Nagpasalamat din ito sa mga natuwa at naaliw sa matanda.

“Thank you po sa magagandang comments sa lola ko. Masayahin talaga siya,” sabi ng netizen sa kaniyang post.

Sa ngayon ay umani na ang post ng higit 26,000 reations at mayroon na ring 18,000 shares sa Facebook. Patunay lamang ito na may mga lolang handang magpasaya lalo na sa tuwing magkakasama ang kanilang pamilya.

Source :

Facebook

Loading…